Is he the One?

8 1 0
                                    

Maraming gimikan sa may Malate pero pakiramdam ko lahat ng makita ko na bar eh puro may sakit na lalaki ang nandun, ang gusto ko lang naman ay ma experience ang sex pero di kasama dun ang mahawaan ng sakit.


Kung sa may Tomas Morato naman o Libis baka mga kakilala ko lang ang makita ko dun dahil malapit lang yun sa trabaho ko, di ko naman hinangad na maging topic pa sa opisina ang pag papa devirginize ko, lalong ayaw ko magkaroon ng FUBU o yung tinatawag nilang Fucking Buddy, One Night Stand lang ang hangad ng katawang lupa ko di ko naman pinangarap ang malaspag sa kamay ng kung sino mang lalaki na di ko naman mahal, please lang lokaret lang ako pero hindi timang.


Sa wakas ay napag desisyunan kong sa Bonifacio Global City magpunta, kaya ito nag da-drive ako ngayon sa kahabaan ng Quezon Boulevard, alam kong tambayan ng sikat ang lugar na yun, baka swertehin na sikat ang maka kuha ng V-card ko, not bad na diba?


Sexy Exquisite & Bold ang pangalang nakalagay sa labas ng bar, maganda yung place ang cozy ng ambience. Sa labas pa lang ay kung ilang tauhan agad ng bar ang nag aasikaso sa mga padating na sasakyan, bukod ang parking ng mga VIP na talaga namang bukod sa may bubong na ang paradahan eh  alam mong safe na safe pa.


Paglapit ko sa entrance ay tinanong agad ako kung VIP card holder daw ba ako at ng sumagot ako ng hindi ay itinuro akong kumaliwa, pag kaliwa ko ay nakita ko agad kung alin ang pwesto na pwede ko pang paradahan dahil sa dito nakatututok ang mga ilaw at nung sandaling nakapili na ako ay saka unti unting nag dim yung ilaw. Pag labas ko ng kotse ay saka namatay ng tuluyan yung ilaw malapit sa pinag paradahan ko pero maliwanag parin naman, yun marahil ang palatandaan para malaman mo kung may parking space ka pa, matalino ang naka isip ng idea na yun.


Sa labas ay maririnig na agad ang masiglang tugtog, pag dating ko sa mismong entrance ng bar ay tinanong ako ng receptionist na parang model sa ganda.


"Good evening ma'am, may reservation po ba?"


"Ah wala, solo lang ako, gusto ko lang sana mag unwind"


"Ma'am gusto nyo po ba sa medyo tahimik na music o mas okey po kayo dun sa may crowd"


"Sorry ha first time ko kasi, so pwede paki paliwanag mo yung mga choices"


"Okey po ma'am, sa loob po kasi ay merong tatlong palapag, yung baba po andun po yung crowd na nag sasayawan may mga ilang upuan po malapit sa bar counter na nakakalat pero mostly po mga lamesa lang po ang andun dahil sa dancing area nga po yun, sa second floor po ay andun ang DJ naten so kung gano po kaingay at ka loud ang music sa first level ganun din po sa second. Dancing area din po sya pero may mga sofa bed na po tayo dun at lazy boy chairs, usually po pag may mag babarkada dun nila pinipili. Ang huli po ay ang VIP section. Maririnig pa rin po yung music dun pero may choice po kayo kung ayaw nyo ng sobrang lakas, kwarto kwarto po sya at sound proof din, may mga sofa bed, Lazy boy chair at LED TV po so pwede mag karaoke kung ayaw nyo po yung music sa labas pwede nyo po i-turn off yung sounds coming from outside at mag sound proof activate kayo para yung kantahan po sa loob ay di maka abala sa mga katabing kwarto. Kung second or third level po ang pipiliin nyo may sarili po kayong waiter/waitress of your choice po na mag a-assist sa inyo"


Sa haba ng paliwanag ni ateng receptionist isa lang ang tumatak sa isip ko, ang sosyal ng club na ito at pag pinili ko ang second at third level pamihadong ubos ang isang buwang sweldo ko sa isang gabi lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon