"Cara, may new crush akooo!" Ang cute talaga nito ni Maycee parang bata hahaha
"Sino nanaman yang 1 week crush mo? Hahahaha" pang aasar ko sakanya.
Si Maycee kasi pag nagkakacrush eh laging isang linggo lang, masyado kasing mataas ang standard niya pag dating sa lalaki.
"Grabe ka!" sabay palo sa kamay ko, pero mahina lang.
"Ehehe sino ba kasi yun?" Tanong ko ulit.
"Comp. Sci. din siyaaaa, ka-batch naten (^.^) alam mo may something sa mata niya na bigla kong na-realize na ang gwapo pala niya" kinikilig na kwento ni Maycee..
"Aba, parang kakaiba yan ah"
"Oo nga eh, basta i find him really attractive"
"Nako, pag yan lumagpas ng isang linggo naku yare! Hahahahahaha" pabirong sabi ko sakanya.
"Eh Cara naman eh, feeling ko isang linggo lang kasi nag stalk na ko sa facebook niya eh, may girlfriend (T^T)"
"Aw, sayang naman, okay lang yan Maycee. Pero wait sino ba yun? Pakita mo naman sakin ng makilatis yan"
"Christian John Perez" proud na pagkakasabi ni Maycee sakin.
"Ka-batch naten? Bakit parang ngayon ko lang narinig pangalan niyan? Transferee ba yan?" Nagtatakang tanong ko sakanya.
"Pag nakita ko siya, papakita ko sayo, absent ata siya ngayon eh, wala pa kasi siya kanina pa" medyo dismayadong sabi ni mae.
"Haha okay lang yan Maycee, dami pa dyang iba no!"
"Ano ka ba, okay lang sakin no, crush lang naman eh (^ω^)"
"Basta pakita mo sakin un ah?"
"Oo naman hahaha"
Tuloy tuloy lang yung kwentuhan namin ni Maycee, dami naming pinagkwentuhan din about sa vacation namin. Maya maya bigla siya natigil sa pagkikwento. Kinalabit niya ko sa may gilid ng binti ko.
Maya maya ay may tinuro siya at bumulong sakin,
"Siya yun Cara, yan yung crush ko" mahinang sabi niya.
Tinignan ko ng maigi yung lalaking tinuturo niya. Hmm ngayon ko lang siya nakita dito sa school.
Bumulong ako kay mae, "Uhm okay naman siya" di kasi talaga ko na-gagwapuhan sa kanya. Medyo singkit pero di naman gwapo.
After ng mahabang kwentuhan namin ni Maycee ay sabay na din kaming nag lunch.
After lunch ay naghiwalay na din kami ni Maycee ng way kasi may klase na siya at ako naman ay papasok ngayon sa new section ko at new classmates ko.
*room*
Nakaupo lang ako sa sulok, onti lang yung mga kilala ko dito sa mga new classmates ko. Kaya tatahimik nalang muna ko, sa isang sulok. May mga kanya kanya silang mga grupo, usapan.
"Out of place na out of place naman ako dito >~
Patapos na yung oras ng klase namin pero di pa dumadating yung prof namin kaya nagsilabasan na kami sa room.
Ako ito naglalakad, sa isang mahabang hallway, mag isa, nag iisa at may pa-sway sway pa ng kamay ng biglang...
"OH.MY.GOD!" O.O
Woooosh! Tumakbo ako ng mabilis sa cr ng mga girls.
"Ohmyghad! Shit! Nahawakan ko!" (>y<) sinasabi ko sa sarili ko habang nakatakip ang kamay ko sa mukha ko.
Kasi naman nahawakan ko ng di sinasadya yung *toot* ng janitor dito sa school TvT jusko! Nakakahiya tapos yung baliw na janitor nginitian pa ko! Jusko! What a day! TvT
Tinamad na kong pumasok kaya umuwi na din ako, wala pa naman kasi yung mga squad ko.
"hays miss ko na din sila. Bukas yayain ko silang gumala"