Bestfriends.

7 0 0
                                    


Bestfriends. Started: June 8, 2015. Published: June 11, 2015.

***

"Sinasabi ko sa'yo Yves 'pag itong trip mo walang kwenta, sisipain talaga kita." saad ko sa kanya, nakakabwisit talaga siya minsan. Biruin mo pumunta ng bahay namin, pinagpaalam ako sa Mama at Papa ko para lang magpasama sa simbahan. Pero sa totoo lang medyo kinikilig ako, baka kasi umamin na siya sa'kin na gusto niya din ako o baka naman aayain na niya akong pagpakasal. Hihi.

"Wag ka na nga masyadong madaldal d'yan four eyes. Basta sumama ka na lang sa'kin." inirapan ko siya, four eyes ka d'yan! Nakasalamin kasi ako, malabo na kasi ang dalawang mata ko.

Pero ano ba talagang trip niya?

Nang makasakay na kami sa tricycle, kinuha agad niya yung cellphone niya sa bulsa niya. Ako naman agad kong kinuha yung wallet ko, pambayad sa tricycle na sinakyan namin. Sinilip ko naman kung sinong tinetext niton mokong na 'to, at dahil sa laki ng font niya sa cellphone niya nabasa ko kaagad.

Barbara.

Kaibigan namin pareho 'yan ni Yves, si Barbara Mendoza. Sikat siya sa school namin. Bakit? Maganda, maputi, mayaman, matangkad, sumasali sa mga beauty pageants at matalino. Ano pa bang hahanapin mo? Halos lahat na nga ng babae sa school na pinapasukan namin ay naiinggit sakanya at halos lahat din ng mga lalaki sa school ay nagkakagusto sakanya at kasama na dun ang bestfriend ko, si Yves.

Dati naririnig ko lang sa mga kaibigan ko na masakit kapag nainlove ka sa bestfriend mo, lalo na kung may iba siyang gusto. Lalo na sa mga kanta, halos ata lahat ng kanta ko sa cellphone ko puro pang-brokenhearted eh. Bakit? Sino bang hindi mabro-brokenhearted sa sitwasyon ko?

Gusto ko ang bestfriend ko, pero ang bestfriend ko gusto yung kaibigan ko, at baka sakaling yung kaibigan ko na 'yun may gusto din sa bestfriend ko.

Buti na lang at hindi alam ni Barbs na may gusto ako kay Yves, kundi malilintikan na. Napabuntong-hininga na lang ako sa mga thoughts na naiisip ko, hindi ko alam kung masasaktan ba ako, o tatanggapin ko na lang na hindi talaga ako kailangan man magugustuhan ng bestfriend ko. Nakakatawa naman 'tong nangyayari sa buhay ko, nakakatawa.

Marami na nga ang nakakapansin na may gusto si Yves kay Barbs, maski ako. Marami na din ako nanunukso sakanila, kasama na ako. Marami rin sa mga kaklase namin na laging sila ang binoboto kapag may Mr. And Ms. Philippians pageant sa school namin, at isa ako sa mga bumoboto. Why? Baka kasi makahalata sila. Makahalata sila na ayaw ko sila para sa isa't-isa, kasi I want Yves alone. Simula pagtungtong namin ng highschool kami na agad ang magkaibigan, kami ang laging magkasama, kami ang laging sabay sa lahat. Pero ang pinagtataka ko lang, bakit hindi kami tinutukso ng mga kaklase namin?

Kasi mas maganda si Barbs kaysa sa'kin? Kasi mas matalino si Barbs kaysa sa'kin? Kasi mas maputi si Barbs kaysa sa'kin? Kasi mas sexy si Barbs kaysa sa'kin?

"O, anong problema mo?" agad kong pinunasan yung luha na tumulo mula sa mga mata ko, napansin niya pa 'yun.

"Wala lang, nag-aalala lang ako kayla Mama at Papa. Kasi diba nga aalis na si Papa? Maga-abroad?" pagsisinungaling ko. Well, half of it was true. Kailangan na kasi ni Papa na mag-abroad, alam niyo naman ang matrikula sa mga universities masyadong mahal.

"Ano ka ba naman Cy, para rin naman sa'yo kaya aalis si Tito eh. Kaya smile ka na dyan." sabay kiliti niya sa'kin. Pinalo ko yung kamay niya at ngumiti. "At andito lang naman kaming mga kaibigan mo para sa'yo diba? Kung kailangan mo ng tulong namin, 'wag magdalawang isip na tawagan kami."

Isa sa mga nagustuhan ko kay Yves, ang pagiging positive niya, at ang galing niyang magcomfort ng tao. Kapag natatalo sila sa basketball game nila, nakangiti pa din siya at laging positive ang nasa isip. Minsan nga naiinggit na ako sakanya, pa'no niya kaya nagagawa 'yun? Puro magagandang pangyayari/mangyayari lang ang iniisip niya.

"Dito na lang po Manong." agad namang nagpreno si Manong sa tapat ng simbahan, ako naman nagbayad muna bago bumaba.

"Naaalala mo pa 'tong simbahan na 'to?" tanong niya sa'kin pagkababa ko pa lang ng tricycle. Napangiti ako, dito kami unang sabay na nagsimba. Second year highschool kami nun pareho, napag-isipan namin na magsimba dito. Nag-wish pa nga kami sa wishing well, ang winish ko pa nun that time na sana makapasa kaming magkaklase sa lahat ng exams namin hanggang sa makatapos kami ng pag-aaral.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako papasok sa loob ng simbahan, natural na 'yun samin dahil lagi naman niya akong ginaganyan. Lalo na nung third year highschool kami, dahil sa may aircon sa loob ng classroom namin at magkatabi kami nun, kada oras ay hinahawakan niya ang kamay ko at pinipisil-pisil. Minsan pa nga ay pinaglo-lock niya ang mga daliri namin sa isa't-isa, pafall masyado... Hindi naman marunong sumalo.

"Teka lang ah, tatawagan ko lang si Barbara." sabi niya sa'kin at medyo lumayo siya ng konti sa'kin. Umupo na lang ako sa may pinakadulong upuan dito sa simbahan. Hi Lord! Kamusta po? Sigurado po akong kilala Niyo ako, at nababasa Niyo ang nasa utak ko. Sabi po nila Lord, hindi ko pa daw hinihingi mula saInyo ay naibigay Niyo na daw. Kaya Lord, bigyan Mo naman ako ng sign. Kung dapat ko na bang itigil 'tong imahinasyon ko na kami ang magkakatuluyan ni Yves. Sabi Niyo po diba, ayaw Mong nahihirapan kami? Pero sabi Niyo din Lord na, sa bawat pagpapahirap Mo samin, may kapalit na magandang mangyayari? Kaya may trust ako sa'Yo Lord. Just give me one sign please?

Tinignan ko muna si Lord ng mga 5 minutes, nang bigla akong tawagin ni Yves. Pagtingin ko sakanila...

"Lord, ang bilis naman po nun. Mga 8 minutes lang."

Nakita ko si Barbs at si Yves, nagpro-propose si Yves kay Barbs. Hindi naman propose pero parang will you be my girlfriend ganun. Naiyak na lang ako sa sobrang sakit.

Ganito pala kapag nasasaktan ka ng sobra, yung tipong may nakabara sa puso mo na gusto mo ilabas pero hindi mo kaya. Yung time na gusto mo na lang magkulong sa kwarto, humiga sa kama mo, kumain ng chocolates, magcellphone, manood ng mga nakakatawang movie, mag-internet, yung ayaw mong makarinig ng kahit na sinong taong nag-uusap. Ganung feeling.

"Yes." sabi ni Barbs, gusto ko silang puntahan at itanong kung anong meron. Pero natakot ako, baka mas masaktan ako. Kaya hindi ako lumapit at nanatili lang sa pwesto ko habang nakangiti. Pilit na ngiti. Ngiting ang sakit eh.

Tumingin sa direksyon ko si Yves habang nakangiti. Ang saya niya, ang saya-saya niya. Kitang-kita sa ngiti niya ang saya na nararamdaman niya, pero yung saya na nararamdaman niya hindi ko maramdaman. Nasasaktan ako.

***

First try. Lame. And. Yes. Cliche. Love. You. All. Jeje. Style.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Brokenhearted DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon