Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 5

187K 5.5K 2.6K
                                    

ANG TAGAL NATAPOS ng interview ko. Hindi ko in-expect na aabutin ako ng halos alas-dose ng tanghali. Sobrang dami kasi naming aplikante at ang haba pa ng proseso. Ang daming exams! Ginutom tuloy ako.

Paglabas ko galing bangko, hinanap ko agad ang sasakyan ni Baron. Kaso wala na rito sa paligid. Siguro nainip na ang lalaking 'yon at nauna nang umuwi ng bahay.

Okay lang. Inaasahan ko namang hindi talaga niya ako hihintayin. E wala rin naman akong number niya kaya hindi ko siya nagawang i-text na matatagalan pa ako sa loob.

Magdyi-jeep na lang ako pauwi. Medyo nakabisado ko naman ang daan kanina, e. Saka swerte na lang tumila na rin ang ulan, although medyo makulimlim pa rin.


PAPUNTA NA DAPAT ako ngayon sa waiting shed para do'n na maghintay ng jeep nang bigla na lang may humarang sa 'king lalaki. Niyakap ko agad ang bag ko, kasi malay ko ba kung sino siya.

Ngiting-ngiti siya sa 'kin na para bang kilala niya ako.

"Ikaw nga 'yon," sabi niya pa. "Ikaw ang cute na babae sa coffee shop."

Kumunot ang noo ko, tapos tiningnan ko siya nang maigi. Hala, siya ba 'yon? 'Yong nanghingi ng number ko? Ba't parang ang linis ng dating niya ngayon.

Napansin ko ang suot niya. Naka-uniform siya na pang-bangko. Bigla tuloy akong napatingin do'n sa pinag-apply-an ko ng work, tapos sa kanya ulit. H'wag niyang sabihing 'yon ang pinagtatrabahuan niya? Nagbaba ako ng tingin sa suot niyang ID. His name is Grant Ortega. At tama, do'n nga siya sa bangko nagtatrabaho!

"Naaalala mo ako?" Tinuro niya ang sarili niya. "Ako ang nanghingi ng number mo last time."

Nahihiya lang akong tumango.

"Cute talaga," bumulong siya. "Nag-apply ka sa 'min?" Nakatingin na siya sa clear folder na yakap-yakap ko.

Mukha siyang bad boy, pero mabait naman ang tono ng boses niya. Tumango lang ulit ako sa kanya, tapos ay mas hinigpitan ko ang yakap sa clear case ko.

"Nice," sabi niya. "Good luck, a."

Tipid lang akong ngumiti. Dapat nga aalis na ako pero nagsalita na naman siya.

"Ang galing naman. Sabi ko na, makikita kita ulit. Pinagtagpo tayo, 'no?"

Kumunot ang noo ko. Ano'ng pinagsasabi niya? Ngiting-ngiti pa rin siya sa 'kin, para siyang may hindi magandang balak. Though, may itsura naman siya.

Ang pungay ng mga mata niya, parang inaantok. 'Yong buhok niya, clean cut na may pagka-light brown ang kulay at may hair wax. Medyo malapad din ang katawan niya, bakat ang muscles niya sa manggas ng uniform, at may katangkaran din siya. Pero parang mas matangkad si Baron nang kaunti. At mas gwapo si Baron, siyempre.

"So, ano?" salita niya ulit. "Ibibigay mo na ba sa 'kin number mo? Ay, by the way, I'm Grant."

Makikipag-shake hands sana siya sa 'kin pero dinedma ko. Pilit lang akong ngumiti.

Pinasok niya na lang tuloy ang mga kamay niya sa bulsa ng slacks niya. "Suplada naman. Sige na nga, baka nabibigla ka sa 'kin. Isipin mo ang bilis ko. Kumusta naman interview mo? Mahirap ba?"

Hindi ko siya sinagot.

"Alam mo malakas ako sa management, e," dagdag niya. "Ilang taon na akong nagtatrabaho d'yan. Kung gusto mo, tutulungan kitang makapasok. Kauusapin ko sila na tanggapin ka na."

Do'n lang ako nagkaro'n ng interes. "T-talaga? Tutulungan mo akong makapasok?"

Ngumiti siya nang mayabang. "Oo naman. Cute mo, e. Pero ano munang pangalan mo?

To Love and Die [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon