CH 2

5 1 0
                                    


Hindi naman ako nito pinansin at nilagpasan ako. Sinundan ko naman siya kung saan siya pupunta. Naramdaman ata niya na may sumusunod sa kaniya kaya siya huminto kaya ang ending napasubsob ako sa likuran nito. Napaka bango. Amoy expensive, halatang mamahalin ang perfume.

Humarap naman sakin ang binata. "Sinusundan mo ba ako?" Malamig na sabi nito..bago ako pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Nag-pose naman ako ng sexy pose sa harap nya para hindi nakakahiya. Dala na ata ng kalasingan..kaya medyo malakas ang loob ko na mag pose sa harap nito.

Lumapit naman ako at humawak sa braso niya."Syempre oo, sinundan kita kasi gusto ko sumama sa'yo."

"Tsk. Ms. Whatever you are. Please go." Pagtataboy nito sakin bago naglakad ulit. Huminto ito sa mamahaling sasakyan na nakaparada don, agad nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung anong sasakyan ang nilapitan nito agad naman ako tumakbo don at napahawak sa kotse.

"Hey Man." Tawag ko dito. Humarap naman ito sakin at nagtataka kung bakit ko ulit siya tinawag.

"Ayan yung Buggati Centodieci na uso ngayon, top 3 yan sa uso na sasakyan ngayon." Kuwento ko habang hinahawakan yung sasakyan n'ya.

"Are you crazy? Yes my car is Buggati centodieci. Nasagot ko na yung tanong mo so please leave." Sabi nito.

Lumapit naman ako sa kanya na nakatayo pa rin sa labas ng sasakyan n'ya.

"Yes I'm crazy, mag pakasal tayo." Walanghiya na sabi ko.

..

"Yes I'm crazy, mag pakasal tayo." yaya nito.

This woman is so crazy. Niyaya ba naman siya magpakasal anong akala nya na basta-basta lang ang pagkakasal. Pati wala pa siyang balak magpakasal, ine-enjoy pa niya ang kaniyang batchelor days. He really want to work hard para naman sa magiging future wife and kids nya kaya siya ay pursigido magtrabaho sa kompanya nya. My parents are both busy because of business...at the age of 18 pinatayo niya ang kaniyang sariling kompanya na tinatawag na ngayong Baltazar corporation. Top 3 sa mga pinaka sikat na kompanya sa Pilipinas at buong bansa.

"Look woman, busy akong tao kaya wag ako ang guluhin mo."

"Kahit busy ka tanggap pa rin kita maging asawa kaya please."pangungulit nito.

Hindi ko na ito pinansin at hinatid ko na lang siya sa condo nya hanggang makarating kami sa condo unit niya ay ang bukang bibig ng babaeng to ay magpakasal kami.

"Tsk. Kaya mo bang maglakad?" Tanong ko.

"Hindi." Nakasimangot na ani nito habang nakatingin sa kanya.

"Fine let's go ihahatid na kita." Sabi ko bago kami lumabas sa sinasakyan namin.

"Anong floor mo?" Tanong ko.

"7" sabi nito.

Lumayo naman ako ng kaunti dahil lumalapit sakin itong babae. Kung hindi lang ito lasing baka hindi na niya ito hinatid pa. Mabuti na lang nasa mood siya ngayon kaya magiging mabait siya for tonight.

Nang makarating kami sa tapat ng condo n'ya ay hindi ko na siya tinignan pa at tumalikod na.

"Hoy anong pangalan mo?" Rinig niya ang sigaw ng babaeng hinatid nya ngunit hindi niya ito pinansin at dali-dali na siyang sumakay sa elevator. Hays finally makakauwi na din ako. Malayo layo pa ang aking byahe.

***
Nagising ako sa ingay ng cellphone ko na kanina pa nagriring.

"Asaan ba kasi ang cellphone ko?" Tanong ko habang hinahanap ito sa higaan ko kasi hindi ko makita. Hinanap ko naman yung bag ko at doon ko nakita yung cellphone ko. Nakita ko naman na si Ruby lang pala ang tumatawag.

"Good morning girl, yung susi mo nga pala nasa akin.. ginamit ko yung sasakyan mo kagabi."

Mabuti naman kung ganon, hindi na ako mahihirapan na kunin yon sa bar. Napakalayo pa man din ng night high bar sa Manila pa yon eh, Laguna 'tong condo ko.

"By the way, sino naghatid sayo kagabi?" Tanong nito.

Napahinto naman ako sa tanong nito, kagabi? Ang tanda ko ay hinatid ako ng guwapong lalaki. Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon, ano kayang ginagawa no'n? Hindi ko man lang nalaman yung pangalan n'ya dahil hindi niya ako pinapansin. Kawawa naman ako. Busted agad.

"Hello girl, nakikinig ka ba?"

"Ay sorry medyo antok pa ako. Ang naghatid sakin yung asawa ko." Sabi ko.

"May asawa kana agad?" Sigaw na tanong nito.

"Oo kaya maghintay kayo ni Kia hindi ako papatalo sa laro n'ya." ika n'ya.

"Fighting girl, goodluck sa pagiging wife material mo." Natatawang sabi nito bago ako pagpatayan ng tawag.

Tumayo na ako sa kama ko at pumunta sa may computer table ko para mag search, balak ko hanapin yung lalaki kagabi. Gusto ko siyang maging asawa,napaka guwapo at paniguradong mayaman yon kasi napaka mahal ng sasakyan.

"Ano nga pala isesearch ko?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa computer. Napahawak naman ako sa ulo ko ng kumirot 'to. Siguro ay kailangan kong isearch yung name ng car nya total iilan pa lang yung nakakabili no'n.

Ang dami naman lumalabas na info. Hindi ko mahanap. What if ang i-search ko ay about sa mga business mukha kasing mayaman yon. Top richest person na lang kaso wala. Siguro masyadong pribado ang information n'ya.

"Finally nahanap rin kita!" Masayang sabi ko habang nakataas ang mga kamay. Ilang oras ko hinanap sa Twitter ko lang pala siya sa mahahanap.

"Rick Baltazar." Bigkas ko sa pangalan n'ya. Pangalan pa lang sobrang guwapo na, excited na ako makita ko ulit siya. Inistalk ko naman yung acc nito sa Twitter nakita ko naman na nasa 9million ang followers nito. Napaka famous kinabog ako na 900k lang. Chineck ko naman ang post nito kaso puro tweeted lang na about sa business. Wala man lang pictures n'ya, paano ko maisasave?

"Baltazar corporation?" Basa ko sa isang article base dito..ito daw ay isa sa mga sikat ngayon na kompanya na ang CEO ay ang isang billionaire batchelor na si Rick Baltazar.

"Omoo, billionaire?" Nagulat naman ako habang binabasa yon. Billionaire? Napaka yaman naman pala ng future husband ko. Jackpot. Nakita ko naman yung address ng kompanya bago ko ako tumigil sa pag cocomputer.

Alam ko na kung saan ko siya magtatagpuan, uumpisahan ko na yung plano ko na siya ang magiging asawa ko kahit konting panahon lang...habang iniisip ko pa lang kinikilig na ako. Waah.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lily Vegan (Black games piece Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon