Victoria
"Don't get your hopes high, Vic. Masakit saakin na makita kang nasasaktan nang ganyan" Lintaya ni Carlos saakin habang binabaybay namin ang daan papuntang airport.
"I know it's just for publicity. We all know that" sagot ko habang nakatingin sa labas.
"That's what you want to believe, yes." He bluntly said.
Hindi ko dinamdam ang sinasabi niya. Dahil alam ko sa puso ko na hindi totoo ang relasyon ni Maureen kay Liam.
Ginawa lang 'yon ng management niya para matakpan ang umuusbong na balita tungkol saaming dalawa. Iniiwasan lang na mapintahan si Maureen bilang isang baguhang artista na kumakapit sa katulad kong matagal na sa industriya.
To be honest, she's way better than I am. Mas higit pa siyang magaling saakin pagdating sa pag-arte. She's more versatile.
Kaya hinding hindi ako naniniwala sa mga paratang nila. I know her. Alam kong mahal na mahal niya ako.
Ilang linggo na ang nagdaan simula noong isinapubliko nilang dalawa ni Liam ang "relasyon" nila. Hindi ko siya ginulo. Sinunod ko ang payo ng manager niya.
Pero sa mga linggong 'yon ay hindi nag-mintis ang pagpapadala ko ng iba't ibang regalo sakanya. Tsokolate, bulaklak, pabango, bag, at iba pa. Gusto ko parin kasing maramdaman niya na hindi ko siya sinusukuan.
May mga pagkakataon ding nagiiwan akong mensahe sakanya dahil alam kong hindi naman niya sasagutin ang mga tawag ko.
Excited na akong makasama siya sa Singapore. Isa kasi kami sa mga nominado para sa tatanghaling Asian version of The Academy Awards.
Siya bilang supporting actress at ako naman ay lead actress. Sa buong pelikula ay kami lang ang nominado. Dadalo din si Carlos bilang siya ang director ng pelikula.
Balak ko sana siyang sunduin sakaniyang apartment papuntang airport pero sabi ng manager nito ay ihahatid daw siya ni Liam.
Sumang-ayon nalang ako at sabi ko ay hihintayin ko nalang siya sa airport tutal parehas naman kami ng flight time. Para dito man lang ay makasama ko ang girlfriend ko.
Pagdating namin ay nag check-in na kami at pumunta sa business class lounge. Nabanggit din kasi na dito namin hihintayin si Maureen.
Kumuha kami ng upuan sa may sulok para rin magkaroon kami ng privacy.
"I'll get some food. Do you want coffee?" Tanong saakin ni Carlos.
"Later nalang. Hintayin ko na si Mau" wika ko.
Umalis na ito para kumuha ng pagkain habang ako naman ay kinuha ang vanity kit ko. Nag retouch lang ako ng kaunti.
Maya-maya rin ay nakita kong nakatayo sa di kalayuan si Maureen at tila hinahanap kami. Tumayo ako at kinawayan ito. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng malapad dahil na-miss ko siya.
Pero nawala ang mga ngiti na 'yon nang makita kong kasunod nito si Liam.
"I thought you're alone?" bulong ko kay Mau. Ako na ang lumapit sakanya para yumakap. Niyakap naman ako nito pabalik.

BINABASA MO ANG
Silver Screen (GxG)
RomantikMau Benedicto is an amateur actress and is picked to play a major role in a Filipino film. And on the said project, she was casted with the veteran star of the country, Victoria Lu. From strangers to colleagues, and later on flourished into secret...