"Okay break muna ng 45 minutes at bumalik kayo rito sa court after. We'll practice the hymn again dahil ang pangit niyo pakinggan! Halatang hindi niyo kinabisado." dire-diretsong naiinis na sabi ni Mrs. Santiago sa stage. Music teacher siya at siya ang naatasan na magturo ng mga kakantahin namin para sa recognition.
"Akala mo talaga tinuro niya nang maayos sa atin 'yan nung pasukan eh wala namang ibang ginawa 'yan kun'di magpasulat at ibenta ang gummy worms at gummy bears niya!" bulong ni Kishie sakin.
Hinampas ko siya sa braso at natawa na lang ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga maldita 'tong mga kaibigan ko eh. Muling naibalik ang tingin ko sa stage nang makitang umaalis na si Mrs. Gummy Bears. Oo 'yan tawag namin dahil palagi niya kaming binibentahan no'n tapos 'pag 'di kami bumili ay wala raw kaming plus points sa kanya!
Nakita ko namang nag-aayos na ng gamit si Kishie. Napatigil ako nang maalalang may chika pa nga pala si Ace sa'min. "Hoy sabay na tayo, may chika pa si Ace sa'tin 'di ba?" sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko. Bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko.
"Ay oo nga pala, 'yung sinabi niya sa gc kagabi. Bilisan natin, baka naiinip na sila ni Selene!" hinatak niya pa ako patayo at kumapit sa braso ko.
"Hindi mo ba talaga alam 'yon?" tanong ko sa kanya dahil classmates naman silang dalawa.
"Hindi nga eh. Baka bago niya na namang crush?" sabi pa niya na parang nag-iisip. "Sana naman classmates na tayong lima this year." dagdag niya habang tinatahak namin ang daan pababa sa canteen.
"Nagsasawa na ako sa pagmumukha ni Ace." dugtong niya pa kaya natawa kaming dalawa.
"Sumbong kita kay Ace ah. Nagsasawa pala." napatawa kami pareho. Magsasalita pa sana ulit ako nang may biglang humatak ng bag ko. Muntik pa tuloy kaming matumba ni Kishie.
"Bakit 'di niyo ako hinintay? Sabi ko saglit lang ako sa office eh!" nag-aalburotong sabi ni Pedro. Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Hindi naman namin alam kung kelan ka matatapos sa office dahil ang dami mong binabati! Baka marami ng tao sa canteen at hindi kami makakain." saad ko habang nakatingin sa kanya ng masama. Hindi naman siya kumibo at sumabay na lang din sa'min maglakad.
Nang malapit na kami ay nakita namin si Selene at si Ace sa labas ng canteen. Napatingin naman sa'min si Ace na ngayon ay kinakawayan na kami. Kita kong tinapik niya si Selene na busy sa cellphone at tinuro kami.
Nang makalapit kami ay nagdadabog na agad 'tong si Selene.
"Ang tagal niyo!?" sabi niya habang nakasimangot. "Kanina pa kami rito ni Ace, tutubuan na kami ng ugat." dugtong niya pa.
"Nye nye," sabi ko habang nagma-make face. "Sisihin mo si Gummy Bears. Tagal-tagal magturo ng kanta wala naman kaming naiintindihan." dugtong ko pa pero inirapan lang ako?
"Oh mamaya na kayo mag-away. Bili muna tayo dahil kanina pa ako nagugutom." sabi ni Ace na naglalakad na papasok.
BINABASA MO ANG
As The Sun Rises (Semicolon Series #1)
General FictionSemicolon Series #1: Iris Valentine is an aspiring journalist and reporter who always gives her best in everything she does. Her love for everyone and everything dear to her is as big as the sun, and she always believes it's enough reason to continu...