ALA-ALA
Sa ngiti mo pa lang pawi na ang pagod na nararamdaman ko.
Sa bawat salitang binibitawan mo,
Aking pinahahalagahan lahat.Sa bawat galaw na ginagawa mo,
Palagi akong naka suporta.Sa bawat pangako na binitawan,
lahat ay parang naglaho bigla.Naglaho na lamang bigla,
parang ikaw bigla kana lamang naglaho,
na para bang isang bula.Sa bawat araw na nag daan,
Hindi ko nakakalimutan na ipagdasal ka para sa ikabubuti mo.Sa bawat araw na dumaan,
ang ating nakaraan ay sariwa pa para sa akin.Hindi ko maisip kung pa ano tayo'y,
humantong sa ganito.Iniisip ko na lamang na,
baka ako yung mali.Baka naman walang nagkamali,
sadyang napagod ka lamang sa aking ugali.Patawarin mo ako kung hindi ko kaya na iparamdam sayo na mahal kita sa salita,
ginagawa ko ito sa pamamagitan ng kilos.Ito naba ang ating wakas?
Siguro nga ito na ang wakas.Ito na din ang huling pahina sa aking pluma,
Maari ko na lamang alalahanin ang mga
masasayang oras na kapiling ka.Ang mga oras na nagkubling ating maliligayang araw,
mga panahon na tayo'y nagdamdam sa isa't isa.Ang panahon ay lumilipas,
pero sa aking memorya ay nakatatak lahat ng maliligayang araw na magkasama tayo.Hindi matutumbasan ng kahit anong salapi,
kung ga'no ako naging kasaya nung ako'y nasa iyong piling.Hindi matutumbasan ng isang malaking bato na bumagsak sa aking paanan,
kung ga'no din kasakit nung lumisan ka.Maari na lang natin balikan ang mga ala-ala na iyan,
sa ating memorya na lamang.Kailangan na natin na tanggapin,
at umusad na din sa buhay.
YOU ARE READING
POETRY
Non-FictionI will post my poem here in wattpad and there's a story behind here in every poem. I hope you will like it it might be a real-life story.