01

9 1 0
                                    

Pagkatapos mag-tweet sa pribadong account ay inilapag niya ang kaniyang telepono sa higaan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagkatapos mag-tweet sa pribadong account ay inilapag niya ang kaniyang telepono sa higaan. Biyernes na nang gabi at kitang nakahilata ang isang makisig na katawan ng binata sa kaniyang malambot na kama. 

Siya si Hachiro Lercus o kilala bilang Hiro at Aki. Siya ay mag-isang tinaguyod ng kaniyang lola kaya't ito na ang itinuturing niyang magulang. Mag-aapat na taon na siyang naninirahan mag-isa sa condo niya dahil magmula nang makapagtapos siya sa college ay nakiusap ito sa kaniyang lola na manirahan mag-isa dahil gusto niyang maranasang paghirapan ang mga bagay na nakukuha niya.

Nakararamdam na naman siya ng pagkapagod kahit wala naman siyang ibang ginawa buong araw kung 'di ang humilata. Naisip niya na baka drained lamang siya emotionally at mentally.

Ilang minuto pa siyang nakatingala sa kisame nang biglang tumunog ang kaniyang telepono. Hinayaan lamang niya itong tumunog dahil wala siyang gana makipag-usap kahit kanino. Sa daming beses na tumunog ito, napabuntong hininga na lamang siya nang tuluyan na itong huminto.

Kung pagmamasdan mong mabuti ang mukha nito ay mababakas mo ang pagkalungkot sa pag-iisa sa ganitong panahon ngunit hindi niya balak sabihin sa iba ang nararamdaman dahil naiisip niya na baka maging dagdag lang siya sa iisipin ng taong pagsasabihan niya. Minabuti niyang sarilihin na lang ang lahat upang hindi na makaabala pa sa iba, lalo na sa mga kaibigan at pamilya.

Tumunog muli ito kaya siya ay napabalikwas sa pagkakahiga at napasabunot sa buhok dahil sa stress na dulot nito. Who the heck is calling this time?! It's past 10 already. Sambit niya sa sarili.

Tinignan niya kung sino ang tumatawag at mahinang napamura nang makita ang pangalan ng kaniyang kaibigang si Axcel. Si Axcel ay nagmula sa pamilya ng mga Carsev na kilala sa kanilang negosyo. Bukod pa rito, kilala sila sa kanilang magandang lahi na animo'y mga santo't santa sa ganda ng kutis at balat. Si Axcel na rin ang itinuring niyang kapatid dahil kasa-kasama na niya ito nung bata pa lamang siya. Madalas rin silang mapagkamalan na magkambal sapagkat hindi naman nagkakalayo ang kanilang mga itsura. Ayaw niyang maging tunog-masungit sa oras na iyon kaya't kinalma niya muna ang sarili bago ito sagutin nang tuluyan.

"Hello? What do you need?" Seryoso niyang wika.

"Lodi naman, bakit parang may dalaw ka ngayon?" Sagot ng kaibigan sa kabilang linya.

"Ayan lang ba sasabihin mo? Kung oo, ibababa ko na 'to." Irita niyang bigkas sa harap ng telepono.

"To naman, 'di mabiro eh. Hindi ka kasi nag-si-seen sa GC natin kaya tinawagan na lang kita. Nakita ko sa fb post na may free concert daw sa Makati Circuit bukas dahil sa coke fest. Balak ko sana pumunta kasama sila Adie at Kin. Nandun kasi 'yung favorite band ko, alam mo na. Sayang naman at libre lang 'yon. Nakita ko rin sa poster na kasama daw ang Ben&Ben ah, sama ka?" Tuloy-tuloy na turan ng kaibigan sa kabilang linya. Nag-isip muna siya bago sumagot sa alok ng kaibigan.

"Okay. I'll go. Anong oras ba kayo pupunta? Nang makapaghanda ako agad." Tanong niya sa kaibigan.

"Hmm. Siguro mga 2:30 ng hapon nando'n na kami. Feeling ko maraming tao eh, kasi maraming artistang pupunta." ani ng kaibigan.

Rain on MeWhere stories live. Discover now