"Tita! pahingi po ng pakwan!" Sabi ko habang kinakamot ang aking pwet papalabas sa aking kwarto.
"Nasa ref kiev! yung nahiwa na ang kunin mo ah!" Sigaw pabalik ni Tita Mai sa banyo.
"Geh!"
Lumakad ako papuntang ref at kinuha ang nahiwa na pakwan at nilantakan ito.
Pumunta ako salabas para iluwa ang mga buto saking bibig.
habang nilalantakan ko ang pakwan na nakakalat na yung tubig nito sa aking bibig at pisngi, may nakita akong lalake na naka upo sa upuan naming kahiy sa labas, madungis ito at medyo punit-punit na ang kanyang damit naka ramdam ako ng awa dahil naiisip ko na isa siyang pulubi.
Pumasok ako sa loob at kumuha ng isang sinlice na pakwan at bumalik.
"Oyy, gusto mo?" sabi ko habang inaabot ang pakwan sa kanya at lumapit.
Tinitigan niya lang ako at ang pakwan.
"Sige na!" Pamimilit ko rito.
Tinanggap niya naman ito kaya napangitibako ng malapad kanya.
"Kainin mo dali!" ani ko habang nilalantakan yung akin.
Sinunod naman niya ang utos ko.
Tinitingnan ko lang siya habang naubos yung akin.
Tinapon ko sa basurahan yung balat ng pakwan at kinausap siya.
"Anong pangalan mo? edad? sanka naka tira? sino mama at papa mo? ako kasi wala nakong mama at papa, si tita Mai nalang yung nagaalaga sa'kin ngayon."
"Papa ko kasi Drug addict kaya nasa kulungan siya ngayon di rin kami dumadalaw sa kulungan niya kasi galit ang tita Mai ko sa papa ko."
Naka tingin lang ang batang lalaki sa'kin at nakikinig.
"Ako pala si Kieva, 6 years old, maganda rin gaya ni mama Vanessa ko." ani ko rito ng may ngiti."
"ikaw? pakilala karin sa'kin."
"Ako si, Rocky Road." Ani niya at nagsalita ulit.
"Yung mama ko nasa palengke nag titinda ng isda para may pangkain kami araw-araw yung papa ko..." Napatigil siya at nag salita. " Wala, hindi ko alam."
Napatango nalang ako sa sinabi niya at tumingala para tingnan ang langit. Maaga pa naman. May plano kasi aking papasukin siya sa bahay namin.
"Rocky, gusto mo pumasok sa bahay namin?"
"Bakit? para saan?" tanong niya sa'kin habang ako'y nakatayo na a kinauupuan namin.
"mmmm bibigyan kita ng pagkain at laro tayo sa loob." ani ko ng may ngiti sa labi.
"Sige na pleasee."
"Baka pagalitan ako." ani ni Rocky.
"Hindi yan! mabait si tita Mai ko!" pangkukunbinse ko.
"sige, paalam ko muna." sabi niya at tumayo sa kina uupan.
"okay!" at dali-dali akong pumasok sa bahay at nakita ko naman si tita Mai na nagtatahi ng butas na short.
"tita Mai! tita Mai!" magiliw na sabi ko papunta sa kanya.
"Oh? Ano yun Kiev?" Ani niya habang naka pukos parin sa kanyang ginagawa.
"Tita Mai meron po akong bagong kaibigan nasa labas po siya, si Rocky, gusto ko po sana siyang papasukin sa bahay." Sabi ko rito.
Napaangat naman siya ng tingin sa akin.
"Pantingin nga ng kaibigan mo,"Hinila ko ang kamay ni Tita Mai. "Tara po!"
Ng nasa pintuan na kami ay binuksan yun ni Tita Mai at nakita namin si Rocky na nag hihintay sa labas. Nilapitan ko namn si Rocky at hinawakan ang kanyang kanang kamay. "Siya po si Rocky Tita Mai!"
"Hello po" Ani ni Rocky.
Ngumiti naman si Tita Mai at sinabing.
"Tara, pasok na kayo."Napalawak ang aking ngiti at binulungan si Rocky sa tabi ko habang hawak ko ang kanyang kanang kamay. "Sabi sayo eh mabait si Tita Mai ko..."
Tumango lang si Rocky at pumasok na kami sa loob.
* * *
Mailyn
"Kieva, Rocky, maghugas na kayo ng kamay at kakain na ng almusal."
"Tara dito Rocky!" turo ni Kieva kay Rocky papuntang lababo.
Napailing-iling nalaang ako dahil sa kasabikan ng pamangkin ko.
Inilapag ko na ang mangkok ng adobong manok at prinitong bangus sa lamesa.
"Wow, tita sarap naman gutom na gutom nako!"
"Rocky, kain kalang ha? wagkang mahiya."
Ani naman ng Kieva ko at napatawa naman ako.Naku may Future to!

YOU ARE READING
Again And Again
RandomRocky had spent too many mornings waiting alone by the side of the street, watching families pass by. He never imagined that a girl with a smile as bright as the morning sun would offer him kindness one Saturday...