Chapter 2

5 0 0
                                    

Lumipas ang oras at kailangan nang umuwi ni Rocky.

"Bye, Rocky..." malungkot na ani ni Kieva habang kumakaway. "Makakapunta ka ba rito ulit bukas?" Tanong niya habang huminto sa pagkakaway, ang itsura niya'y parang matagal na silang magkaibigan ni Rocky na ayaw mahiwalay.

Napaisip si Rocky at sumagot, "Titignan ko pa, kasi baka kakailanganin ako ni Nanay bukas para magbenta."

"Hmm, sige. Ingat ka pauwi! Pwede naman sa susunod kung hindi ka makakapunta, diba?" ani Kieva na parang nagpapacute pa.

"Oo, Kieva," maikling sagot niya na may tipid na ngiti. Napangiti rin si Kieva nang malapad at sabing, "Sige! Umalis ka na! Para magkikita pa tayo!"

"Di pa nga sure, diba, Kieva?" sabi ni Tita Mai habang nakangiti. "Oh, sige na, Rocky, umuwi ka na at mag-ingat ka, gumagabi na. Baka pagalitan ka pa ng Nanay mo."

"Opo," sagot ni Rocky at patakbong umalis.

Nang mawala na si Rocky sa paningin namin, biglang nagtanong si Kieva habang kinakalabit ako.

"Tita Mai?"

Tumaas ang kilay ko, "Ano yun?"

Ngumiti siya ng parang baliw. "Hoy! Anong nangyayari sa’yo, bata ka?" sabi ko nang gulat.

"Crush ko po si Rocky, Tita Mai!" kinikilig niyang sabi.

Napatawa na lang ako dahil bumalik sa alaala ko ang sarili kong kabataan.

~~~REWIND~~~

Tumatakbo habang may bitbit na stick ang anim-na-taong-gulang na si Mailyn.

"Pasaway kang bata ka! Sinabihan na kitang wag na wag kang maglalaro ng lupa!" ani ko noon, kunot-noo.

"Sorry na—" Hindi pa natapos si Dodong nang putulin ko siya. "Mali ka! Dapat kasi umiiyak ka! Gayahin mo ako," sabi ko sabay akto ng pag-iyak.

"Ehh, ang hirap naman umiyak, Mai eh," reklamo ni Dodong.

"Ano ba 'yan, Dong!" inirapan ko siya, ang pagkadisgusto ko halata sa boses ko.

Ngumisi si Dodong. "Sige na, ang galing mo talaga! Kuhang-kuha mo 'yung linya ng Nanay mo, Mai."

Sinamaan ko siya ng tingin pero proud kong sinabing, "Oo naman! Pangarap ko maging artista! Tapos yayaman ako, Dong, at bibilhan kita ng maraming gagamba mo!"

Napanganga siya. "Talaga? Marami?"

"Oo! Para pag namatay 'yung isa, may panlaban ka pang iba!" sabi ko, ngiting-ngiti.

Bigla siyang ngumiti ng masigla. "Ako, pag naging piloto na ako, liligawan kita, Mai..."

Naramdaman ko biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Para bang may sasabog sa dibdib ko sa kilig.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Again And AgainWhere stories live. Discover now