Chapter 1

1 0 0
                                    

"Ezlyn, anong course ang kukunin mo sa college?" Lori, my friend asked me. Ano nga ba? I don't know.

"I want to take fashion designer but that cost too much." I honestly answered her.

That's my dream job, I want to go Paris just for that. But I think I can't afford it, my mother can't afford it.

"Oo nga naman, baka hindi mo kaya." Shin said in sarcastic tone while looking at her nails. Baka nga may dumi kaya tinitignan, kinakagat niya pa naman.

"Ano ka ba, Shin. Bakit ka ba nakikisawsaw e hindi ka naman kasali sa usapan. Pader!" sigaw sakanya ni Lori habang tinataas-baba ang kamay na parang pader. Napatawa naman ang ilang kaklase ko dahilan para maasar si Shin.

"Ako, I will be in Paris achieving my dreams to be a model, super model." dagdag pa niya dahilan para tumahimik ang lahat. Napataas ang kilay ko dahil doon.

"Sino nagtanong?" Lori asked her and everyone laugh including me.

"Just keep dreaming and achieve them, Shin." I said and she glared at me like I said something bad.

"That's what I don't like about you, Lavelle. You're too kind, you're not an angel." she said and I just smiled. Is it bad to be kind?

"Be kind to animal, ika nga." saad naman ng katabi ko. Lori

Oh my god, this woman and her not so kind mouth. Is that what we are?

"Shut up, Lori." with that she stand and leave.

"Why do you have to say that? that's harsh, Lori." I said to her and she looked at me with big open eyes. Why did my British accent suddenly came out of nowhere?

"Why do you have to be so kind? All the people here are taking it for granted! Wake up, Ezlyn!" mocking me with my accent.

Sigh. My mother told me that always be kind.

"Alam mo minsan iniisip ko na mayaman ka kasi alam mo mag English." I laughed at what she said.

"I watched Peppa Pig so much when I was a kid, that's why." kibit balikat kong sagot. But the truth is I also don't know. I also don't know if Peppa Pig is existing na in my age of 3? I don't remember.

"Kaya pala, ako kasi puro ako Mr. Bean kaya siguro ako bobo." sabi niyang kinatawa ko.

"Gago ka." i blurted out while laughing. I stop laughing when she's not laughing anymore. I looked at her and saw her looking at me. Nakanganga, ano meron?

"What? May dumi ba sa mukha ko?" tanong ko at umiling naman siya.

"Eh ano?" tanong ko ulit.

"You cuss." she said and I nodded.

"Yes and?" tumango ako sakanya.

"YOU CUSS, EZLYN. YOU NEVER CUSS! I NEVER HEARD YOU CUSSING AND YOU JUST CUSS!" sigaw niya at tumayo pa kaya napalingon ang mga ibang nasa loob ng room.

"Anong tingin mo sa akin? Anghel? Hindi nagmumura? Gago ka pala e." saad ko at nalaglag ang panga niya.

"Ang lutong, gago." she said and we laughed.

That night I started to think about what course will I get. I need to be practical.

Habang nagiisip ako sa kursong kukunin at mga gagastosin ay may kumatok sa pinto.

"Ate, kailangan ka ni mama sa baba." that's my younger brother calling me.

Bumaba ako at nakita si mama na nagbibilang ng pera. Syempre, life is money.

"Ano po 'yon, ma?" tanong ko at umupo sa harap niya.

My mother is beautiful in her age, 53 years old. She's not that strong anymore to get a job but she insist on getting not one but three jobs everyday.

"Kasya na ba ito para sa birthday mo?" tanong niya at nakatingin sa pera. I sigh

"Ma, hindi na kailangang maghanda para sa kaarawan ko. Para sa gastosin na yan, ma." sagot ko.

"Mage-eighteen kana, anak." saad niya at tumango ako.

"Oo kaya hindi na po need ang maghanda, malaki na ako." saad ko at binigyan ng halik si mama sa kanyang pisnge. Sinabi kong iponin nalang para sa gagastosin sa bahay.

Bumalik ako sa kwarto ko at inopen ang messenger. Pagbukas pa lamang ay sunod-sunod na ang ingay mula sa chats.

Hindi ba sila pagod sa school at nagiingay pa.

Lori:
@Lavelle anong handa mo?

Eto si mukhang pagkain.

Shaun:
@Lavelle 'wag mong iimbitahin si Lori, baka maubos niya handa mo.

Natawa ako sa sinabe ni Shaun at nakitang halos buong klase ang nagreact ng tumatawang emoji at isa naman sa angry.

Shin:
Ang sabihin niyo, walang handa si @Lavelle HAHAHAHAHHAH

Lori:
ay eto si epal

Shaun:
ang sabihin mo, ganyan ka lang ka inggit @Shin

Brent:
anong sabi mo @Shin? hindi namin mabasa, blank chat kasi.

Sagot nila kay Shin at maraming nag react. Hindi ko alam kung bakit ganyan nalang ang galit at inis ni Shin sa akin.

London Boy Where stories live. Discover now