CHAPTER 2

665 11 0
                                    

ZAHARA’S POV

Nakarating kami sa isang building at napatingala ako dahil sa tayog nito at inaamin kong ngayon ko lang din ito nakita. Ang laki nito at ang ganda rin pero agad na sumunod ako kay Sir Zavier papasok at lahat ng mga nandoon ay binati siya at lahat ng makakasalubong namin ay yumuyuko sa kaniya. Habang naglalakad ay nakatingin ako sa likuran niya at ngayon ko lang napagtantong ang tangkad pala talaga niya. Hindi na ako magtataka kung sakop ng isang kamay niya ang buong mukha ko. Napahinto ako at saka ako napayuko at napahawak sa dibdib ko. Ang laki ng mga hakbang niya kaysa sa akin kaya naman napagod ako kaagad. Nang maglalakad na sana ako ay napahinto ako ng hindi ko na siya makita at ang laki ng building na ‘to para mahanap ko siya.

“Nakakainis naman,” sabi ko sa sarili ko at naririnig ko ang bulungan sa paligid ko.

Hindi ko nalang din pinansin at saka ko sinubukan na hanapin si Sir Zavier at sa totoo lang bakit naman kasi ang laki ng hakbang niya, e alam naman niyang maliit lang ako at ang mga biyas ko. Habang naglalakad at tumingin sa paligid ay aksidenteng may nabangga ako at nang malingunan ko ay nabuhusan ng milktea ang dress niya at napasigaw siya dahil do’n.

“S-Sorry,” paghingi ko ng paumanhin pero nang makita ko ang mukha nito’y tila huminto ang mundo ko.

“Zahara?” banggit nito sa pangalan ko at sa inis niya ay binuhos niya sa ‘kin ang natitirang tea at nagulat ako do’n. “Damn it! You deserve that bitch,” sabi niya pa habang nakangiti.

Sa lahat ng lugar ay talagang dito pa kami nagkita. Hindi ko aakalain na sa dami ng taong makakabangga ko ay talagang siya pa. Alam ko naman na isa lang akong hampas lupa sa paningin niya pero ang ayaw ko sa lahat ay ipinapamukha niya pa. Pero hindi ko na rin naman siya amo ngayon at hindi na rin siya ang taong kailangan kong pagsilbihan araw-araw.

“Thank you sa milktea,” asar ko sa kaniya dahilan para mapakuyom siya ng kamay at saka manggalaiti sa galit.

Sabihin na lang natin na isa s’yang salot sa lipunan na pikunin at walang magawa sa buhay kaya ako ang pinagdidiskitahan. Sinabunutan niya ako at hindi ako nagpatalo kaya naman sinabunutan ko rin siya. Hindi ko binitawan ang kamay ko sa pagkakahawak sa buhok niya na kahit galing pa s’yang parlor ay wala akong pakialam. Pumalibot ang mga tao sa amin at lahat sila ay mga asyosong walang magawa sa buhay. Hindi man lang kami inawat sa pag-aaway nitong bruha.

“Nand’yan na syia!” sabi no’ng isang sales lady pero hindi ko pinansin at patuloy pa rin si Mindi sa pagsabunot sa akin at gano’n din ako sa kaniya.

Pero nakalimutan ko ‘atang mayro’n s’yang over protective boyfriend at dahil do’n ay bigla ako nitong hinila at saka sinuntok sa t’yan dahilan upang manghina ako. Ang sakit ng ginawa niya at halos mapaiyak ako sa sobrang sakit. Mas malala pa ay sinipa niya ako at tumalsik ako sa lakas no’n. Hindi ko alam na kasama niya ito ngayon at sa totoo lang ay hindi ito ang una. Napahiga ako habang hawak ang t’yan ko at lumuluha ang mga mata ko. Pero napasinghap ako ng makita ko ang parehong sapatos na itim sa gilid ko at nang makita ko kung kanino ‘yon ay nanlaki ang mata ko. Babangon sana ako pero hindi ko magawa at sa pagkakataon na ‘yon ay bigla niya akong binuhat at nagulat ang lahat ng nakakita.

Tumingin siya sa ‘kin at nangunot ang noo pero walang salita na lumalabas mula sa bibig niya. Tumingin siya ng masama sa boyfriend ni Mindi at saka ngumisi ito ng kakaiba. Sinenyasan niya ang mga tauhan niya at hindi ko alam kung anong ginawa nila dahil para akong nabibingi. Sobrang sakit ng katawan ko at pakiramdam ko namamanhid ito dahil sa ginawa ng lalaking iyon.

“Tsk.”

Iyon lang ang nasabi nito at saka siya tumalikod at dinala na niya ako papunta sa hospital. Nang madala niya ako sa hospital ay nakatulog ako dahil sa nangyari. Nang magising ako ay nagulat ako kasi nasa tabi lang pala siya at nakaupo habang magka-cross ang legs at braso.

HIS MAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon