Chapter 1

1 0 0
                                    

*Kaia's POV

Nagmamadali akong pumasok sa cr at nag toothbrush kasi late na ako. Napepressure din ako kasi may lintek na gunggong duto na minamadali ako. At teka nga, ba't ba to andito sa apartment ko?

Asher: "Kaiaaaaaaa ano ba?! Bilisan mo naman malelate na tayo!"

Ohh kitams? Kala mo naman tatay ko. Tinapos ko muna yung pagtotoothbrush ko bago ko sya sinagot.

Ako: "Sino ba naman kasi may sabing hintayin mo ko? Pwede ka naman nang umuna sa school, gunggong!"

Lumabas ako ng cr at sinamaan sya ng tingin bago kinuha ang bag ko at naglakad palabas ng bahay.

Asher: " Pake mo ba? Eh sa gusto kong may kasabay ako sumakay ng tricycle eh para hindi malake yung pamasahe."

Kita mo to ang kuripot pamasahe lang gusto pa may discount eh ang yaman2 neto. Sakanya ata napupunta binabayad ko sa upa eh.

Ako: "Ewan ko sayo tara na nga, dami mong sinasabi"

Papara na sana ako ng tricycle kaso may naalala ako.

Ako: "Teka nga bat ka naman mag t-tricycle kung may kotse ka naman aber?"

Asher: "Oo nga no?"

Kinutusan ko naman sya ulo kasi naiinis ako. Bwesit to oh.

Asher: "Aray ko naman! Ansakit non aa."

Ako: "Kunin mo na kotse mo dami pang sinasabi malelate na tayo"

Asher: "Wag na sumakay na tayo pinara mo na si manong oh kanina pa yan nag aantay. Atsaka malelate lang tayo lalo pag kukunin ko pa yung sasakyan"

Ako: " Kala mo naman ang layo ng bahay nyo eh asa harap lang naman netong apartment."

Asher: "Wag na nga kasi, malelat---"

Manong: "Mamaya nayang LQ nyo dyan. Ano? Sasakay ba kayo o hindi?"

Nagkatinginan naman kami ni Asher at sabay sabi ng "Yaaaaak" "Ewwww"

Ako: "Sasakay po kami manong, sa Ramon Magsaysay lang po kami. At isa pa ho manong hindi po kami nag e-LQ, nong akala mo samin mag bf-gf? Etong mukang kalabaw nato? Ewww, no way."

Kukutusan sana ako ni Asher kaso pumasok agad ako sa tricycle.

Asher: "Kala mo naman maganda ka? Sa liit mong yan? Mukha ka ngang tiyanak eh"

Hala yawa, tiyanak daw? Sinamaan ko naman sya ng tingin.

Ako: "Lagot ka sakin mamaya."

Bulong ko sakanya.

Tinawanan nya lang ako.

Nang makarating kami sa labas ng school, hinintay ko syang bumaba bago ako at naglakad agad papasok sa school.

Asher: "Hooooooy tiyanak bayad mo!"

Hindi ko sya pinakinggan at dumiretso lang ako papasok sa school. Narinig ko pa syang sumigaw pero binalewala ko na lang.

Abay gago tiyanak pala aa. Ikaw magbayad ngayon ng pamasahe ko. Bwahahahaha.

*Asher's POV

Abay lintek sinadya talagang pumasok ng una para ako magbayad ng pamasahe. Apaka talagaaaa. Kung di lang yon malakas sakin kinaladkad ko na yon pabalik dito para magbayad. Hays.

Pagtapos kong magbayad sa tricycle pumasok na din ako sa loob. Naabutan ko naman sya don sa lobby ng school na kinakausap yung barkada namin,may hawak na papel. Siguro pinag usapan nila yung exam namin kahapon sa hydraulics.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Anak Ng Aming LandladyWhere stories live. Discover now