Asher Rivera! Sa tuwing nakikita ko siya ay palagi ko na lamang napapansin ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Siya ang crush ng karamihan sa mga babae sa aming eskuwelahan. Bukod sa matalino ay magaling din siyang sumayaw.
"Sino yang kachat mo?" tanong sa akin ng kaklase ko.
"Si Asher," sagot ko.
"Anong sabi?"
"Nagpapatulong sa lessons natin. Padalhan ko daw siya ng pictures nung sinulat ko kanina," sagot ko sa kaniya.
"Hindi ba siya nagsulat?" tanong naman ng kaibigan kong si William na kararating pa lamang.
"Mabilis daw kasi yung powerpoint presentation kanina kaya hindi na raw siya nakapagsulat," I answered.
Simula noong nakasama ko siya sa isang seksiyon ay madalas ko na siyang nakakachat. Masaya akong natutulungan ko siya.
Mapili siya sa kaibigan kaya naman mapalad ako na parang isa na ako sa pinakamasuwerteng tao sa mundo.
Pwede bang magtanong kung ano yung sinabi kanina ni Sir? Hindi ko kasi narinig nang maayos kasi ang ingay ng mga katabi ko.
I waited for his reply until finally, after hours of waiting, he read my chat. Matapos ang ilang oras ay wala pa rin akong nakuhang sagot.
Kinaumagahan ay maaga akong pumasok sa eskuwelahan na bitbit ang regalo ko para sa kaniyang kaarawan. Samantala, noong pumasok ako sa room ay abala sa pagbabasa ng mga notebook nila ang mga kaklase ko.
"Anong meron?"
"Hindi mo ba alam na may quiz tayo ngayon sa Calculus? Sinabi yun ni Sir kahapon," sagot ni William.
Without any hesitation, I sat down and shoved my notebook from my bag.
"Makikibasa ako sa iyo. Puwede ba?"
"Si-"
"Kailangan niyang mag-review, Asher. Kung wala kang sinulat, kasalanan mo na iyon," wika ni William sabay lingon sa likuran namin.
After the quiz, I was lucky to have the highest score even though I had so little time to study.
I was about to exit the school gate after our class when I felt someone grab my arm and pull me towards the corridor.
"Sam, kung hindi mo alam kung ano yung sinabi ni Sir kahapon, bakit hindi ka nagtanong sa amin na mga kaibigan mo?" William asked.
"Tinanong ko si Asher... pero hindi siya sumagot."
"How many times did he do that to you? Hindi mo ba alam, ginagamit ka lang niya?" dagdag pa Will.
"Hindi totoo iyan!"
"Sam, ikaw ang valedictorian ng klase natin at siya yung pumapangalawa palagi!" he exclaimed. "Gusto niyang higitan ka pa, Sam!"
From that moment, I realized everything. My heart skipped a beat as I was awakened by my mistake.
Doon ko naalala na hindi ko pala naibigay kay Asher ang regalo ko sa kaniya. I took the Hersheys chocolate and gave it to William instead.
"Thanks for making me realize everything."
He opened the wrapper and gave me half of the chocolate. "Life is like this chocolate. It's better to share it with the people you love."
That was the sweetest thing that I ever heard from a true friend who cares. I'll never forget that moment.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Thing
Historia CortaA true friend and chocolates make me feel true to myself. ------ "Life is like this chocolate. It's better to share it with the people you love." Have you ever been used by the person you like? Have you ever been blind in love? Samantha thought that...