“Kuya! Let me explain-”
Mabilis akong bumaba sa motor ni Lean dahil sa sinabi niyang iyon. Lumapit ako sa kaniya at nginitian siya. Inakbayan niya naman ako at naramdaman ko naman ang pagpisil niya sa kabilang braso ko, at alam ko na ang ibig niyang sabihin do'n.
“We‘ll talk about that inside. Magbihis na na muna sa loob, Lynnette.” pagmamatigas ni Kuya sa akin at sumulyap uli kay Lean.
Napanguso ako. Napatingin naman ako sa gawi ni Miguel nang makita ko siyang nakatingin sa– hindi siya nakatingin sa akin pero nakatingin siya sa itim na jacket na dala-dala ko. Nabalik naman kaagad ako sa huwisyo at ipinatong iyon sa balikat ni Lean bago pumasok sa loob.
“Mauna na ako,” sabi ko sa kaniya, hindi nakatingin. Sumulyap ako kay Miguel at hindi ko maintindihan ang tingin niya sa akin-- galit ba siya? Ano ba ang ginawa ko?!
“Ramos-- Alright, I'll drop the formality since we're outside the school,” pagbabago ng isip niya. “Straightforward akong klase ng tao, lalo na sa kapatid ko. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa... Is there something going on between you and my sister?” Kuya Sam asked, seryoso siya roon! He firmly said that as if he's talking with my suitor!
Mariin akong napapikit habang nakikinig ako sa usapan nila sa labas ng gate namin. Hindi pa ako nakakapasok ng bahay dahil gusto kong makinig sa pag-uusapan nila! Gusto kong lumabas at hilahin si Kuya Sam papasok pero hindi ko iyon magawa dahil natatakot nga ako!
“Lynne is someone special... to me.” Lean said that with all of his confidence. Nagulat ako roon!
“An-ano? Ano ang sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Kuya. I even heard Miguel gasped!
“Actually, I'm also a straightforward person, Prof... kaya hindi narin ako magpapaligoy-ligoy,” and there he said it! “Ano ba ang iisipin niyo kung ang babae at lalaki ay magkasama umuwi... she's with me. That just meant we sure have something–”
Napaawang naman ang labi ko at hindi na napigilan ang sarili ko. “H-hoy, Alejandro! Anong pinagsasabi mo kay Kuya, huh?!” angil ko kaagad at tumingin sa kaniya. “Wala kaming relasyon, ano! Promise, Kuya, wala! Huwag kang maniwala sa kaniya!” I defended myself.
Totoo naman ah! Hindi naman talaga ako sasama kung hindi niya ako pinilit-- hindi naman sa pinilit pero parang may puwersahan ring naganap. Hindi ako sigurado! But one thing for sure is that, we are nothing but a classmates! A group mate! He offered me a ride, so I hopped in. Mabait lang talaga ako, walang malisya 'yon sa akin. Sana hindi nalang ako sumama kung alam ko na pinopormahan niya ako!
Pinopormahan? May gusto talaga siya sakin? What the hell? Bakit may confession na dito? Atsaka... seryoso ba siya? Alejandro takes things unseriously, I doesn't even know when he is serious!? Because most of the time hindi niya talaga sineseryoso ang mga bagay bagay!
I then remembered after what happened inside the hall. He was with me for a short period of time and he was serious. He even showed his gentleman side. Or, maybe... he's just like that with everyone... who needed help of someone? Maybe he was there because I look pitiful? Yeah, siguro nga.
“Stop kidding around, Lean! Magseryuso ka nga kahit minsan!” I said, seriously.
“I‘m serious, Lynnette.” seryusong tugon niya rin sa akin. “Seryoso ako, at alam mo ‘yan, Miguel...”
I glanced at Miguel. Igting ang panga niya habang papalit-palit ang tingin niya sa aming dalawa. Hindi ko alam parang nangalumbaba bigla ang naramdaman ko. Bigla nalang akong nakaramdam ng something na kahit ako ay hindi ko rin maintindihan.
YOU ARE READING
So, This Is Love
Teen FictionLynnette Legracia has always been criticized for being a top student- because everyone thought, she was using her professor in exchange to aim the highest score. Academic has been her top priority. From then, in just a blinked of the eye; two men ca...