CHAPTER 1

36 0 0
                                    

" Biko, biko po kayo diyan..."'sigaw ni Rain habang bitbit ang isang malaking basket na may lamang mga biko na luto ng Nanay niya. Samantala, nakasukbit naman sa kanang balikat niya ang bag nitong may lamang mga gamit niya sa eskwela. Isa siyang masipag na working student. Mula sa kanilang bahay, nilalakad lang niya papunta sa resort kung saan siya sumasideline bilang tagalinis ng mga cottages. Alas nwebe pa naman yung pasok niya sa resort,kaya alas siete ng umaga umaalis na siya, bitbit ang mga paninda niya upang habang naglalakad papuntang resort, maglalako siya ng paninda ng nanay niya ng sa gayon may kikitain pa rin siya, lagari kumbaga.

" Abay, andito na ang napakaganda at masipag na si Regina, pabili ako ng biko anak." sabi ni Aling Marie na isa sa kanyang mga suki at kaibigang matalik ng kanyang ina. Lumabas ang matanda sa kanyang bakuran at masayang  sinalubong si Rain.

Ibinaba nito ang basket na dala upang isalin sa isang lalagyan ang mga napiling bilhin ni Aling Marie.

" Good morning napaganda kong suki,kumusta naman po yung tuhod natin, medyo umulan kagabi, malamig,hindi ba kumirot ang tuhod nyo ha,Aling Marie." sabi ni Rain saka iniabot ang isang supot sa matanda.

" Hay, tama ka anak, medyo namaga nga, kahirap talaga pag tumatanda na ano. " sabi nito na bahagya pang tinapik ang balikat ni Rain. " Ito anak, keep the change."muling sabi nito habang inaabot yung pambayad nito.

" Hay naku, si Aling Marie talaga oo,nakakahiya naman saiyo" napangiti bahagya si Rain.

" Okay lang yan anak, pan dagdag sa allowance mo yan. Nagpadala kasi yung anak kong nasa Canada. Hindi nanaman kayo iba sa akin, kaibigan ko yang nanay mo." sabi ni Aling Marie. Totoo naman yun, lahat ng kabarangay nila, kaibigan ng Nanay niya. Dati pa kasi naglalako ang Nanay niya nga mga kakanin, lalo na noong iwan sila ng Tatay niya. Kayod kalabaw ang ginawa nito upang maitaguyod silang magkakapatid,

" Salamat po Aling Marie, hayaan nyo pag naka graduate ako, makakabawi rin ako sa inyo. Cum laude yata ako" pagmamalaking sabi ni Rain. 

" Talaga, " excited na sabi ni Aling Marie. " Manang mana ka talaga sa akin anak..." natutuwang sabi ng matanda saka sila nag tawanan ni Rain.

" Aba- aba paano mag mamana sayo si Rain, anak mo ba yan?. " sabay silang napalingon ni Aling Marie at Rain, boses iyon mula kay Aling Carmen, isang kapitbahay rin nila at suki ni Rain.

Napangiti si Rain ng makita ito. " Kumusta Aling Carmen, magandang umaga po." bati nito sa matanda.

" Pabili ako Rain, sampung piraso, hindi kasi ako nagluto kaya yan lang ang pang agahan namin." sabi ni Aling Carmen, saka sila nag tawanan. 

" Hay Marie, paano mag mamana sayo yang si Rain, eh hindi mo anak yan, mana yan sa kaibigan nating si Rosa." tugon nito saka natawa na lang din si aling marie.

" Mana ako sa inyong dalawa" sabi ni Rain habang isinasalin ang biniling paninda ni Aling Carmen. 

"Hay alam mo ba, noong kabataan namin, eh matalino naman talaga kaming tatlo, pero yang nanay mo ang laging first honor." kwento ni Aling Marie.

" Abay OO, Rain. saka napakabait rin tulad mo." sabi ni Aling Carmen. " ito ang bayad ko." saka inabot ang bayad nito.

" Si Kara po ba nakaalis na papunta sa resort?" tanong ni Rain na ang tinutukoy kay si Kara, ang kanyang bestfriend at kasama rin sa resort.

" Abay oo Rain, sumabay na sa kanyang tatay." sagot naman ni Aling Carmen. Namamasada kasi ng tricycle ang tatay ni Kara kaya madalas itong sumasabay sa tatay nito at nagpapadrop lang sa resort. 

Bestfriend niya si Kara. Magkaklase sana sila ngayon at sabay gagraduate ngunit, tumigil ito sa pag-aaral, Hindi daw nito kayang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag aaral. Hindi naman daw ito kasing talino niya.

The Idol's GirlfriendWhere stories live. Discover now