Chapter 3

4 1 0
                                    

Lord, please. Hindi sana namin Makita sila mama para hindi makapagpaalam si Uno. Pagbigyan mo na po ako kahit ngayon lang, birthday ko naman eh.

Palihim kong hinihiling pero sadyang hindi ako favorite ni lord kaya hindi ako pinakinggan ng langit. Sign na ba 'to para magka-boyfriend na ako? Hindi pa ako mentally na ready sa ganito. Wowers ako pa talaga hindi naging mentally ready eh hindi naman ako itong mahihirapang manligaw. Eh ano ba naman kasing alam ng NBSB sa ganitong bagay? Paano kung pumalpak ako bilang isang girlfriend? Wowers ulit. Hindi pa nga nag-uumpisang manligaw iniisip na yan. Ano ba Nixx, wala pa huwag kang oa.

"Nakita ko na sila tita. Ano, tara?" Sabi sakin ni Uno. Wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

Syempre sabi ko sasamahan ko siyang magsabi kila mama eh. Mga mhiema kayo.

Habang palapit kami ng palapit sa pwesto nila mama, mas lalo akong kinabahan. Hindi ko alam isasagot ko sa kanila kapag nagtanong rin sila sakin huhu.

"Good evening po tito, tita." Pagbati ni Uno kila mama nang makalapit kami ng tuluyan sa kanila.

"Oh hijo, napadako kayo dito ni Nixx. May kailangan ba kayo?" Tanong sa kanya ni mama.

Mas pinili ko namang manahimik at mag-obserba sa kung anong susunod na gagawin ni Uno. Hindi muna ito umimik at lumapit kila mama para magmano na siyang nagpangiti kay mama. Bumalik rin naman si Uno sa tabi ko pagkatapos niyang magmano sa mga magulang ko.

"Ah... tito, tita, may sasabihin po sana ako." Kinakabahang wika nito.

"Pakakasalan mo na ba si Nixx hijo? Aba'y walang problema yan. Kilala ka namin simula pagkabata mo. Pwedeng-pwede mong pakasalan ang aming unica hija." Pabirong sabi ng tatay ko na siyang ikinagulat ko.

Pakasal agad? Ipinamimigay mo na ba ang nag-iisa mong anak na babae pa? Magagalit ang unico hijo niyo niyan at ipinamimigay niyo na ang kapatid niyang babae. Kaloka na talaga itech. Kuya Rain help huhu.

"Hindi po tito. Though aabot rin kami sa point na yan." Pabulong na wika ni Uno sa huli niyang sinabi na narinig ko naman kaya siniko ko ito.

"Gusto ko po sanang ipaalam sa inyo kung pwede ko po bang ligawan si Nixx. Ok lang po ba?" Nakahalukipkip na tanong ni Uno sa mga magulang ko.

"Pumayag na ba si Nixx hijo?" Muli ay tanong sa kanya ni mama.

"Hindi ko pa po alam ang sagot ni Nixx sa tanong ko sa kanya kanina tita pero ang sabi niya po ay tanungin ko muna sa inyo. Kaya po hinanap namin kayo para hingiin po ang sagot ninyo."

"Aba kung ako ang tatanungin ay ayos lang sa akin. Mabait na bata naman si Uno." Sabi ng tatay ko. Ipinamimigay na talaga ako guys. Ba-bye Kuya pinapaubaya na ako ng tatay natin sa ibang bahay.

"Pumapayag rin ako. Kilala ko si Uno, hindi niya gagawan ng hindi maganda si Nixx. Pwedeng-pwede mo siyang ligawan hijo." Wika rin ng nanay ko tsaka tumingin sa akin.

"Ikaw ba hija? Pumayag ka bang ligawan ka ni Uno?" Tanong nito sa akin.

Interrogation ba 'to Lord? Natataranta ako mga mhiema huhu.

"O-opo ma." Maikling sagot ko. Nahihiya ako.

"Iyon naman pala. Oh siya sige na, magpunta na kayo roon kila Tinna at mag-enjoy. Uno hijo ha, wag mong pababayaan si Nixx." Bilin ni mama rito.

"Opo tita, makakaasa po kayo." Magalang na sabi ni Uno sa kanila bago kami umalis sa kinaroroonan nila.

Habang naglalakad kami patungo sa table ng mga kaibigan namin ay tahimik ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na nililigawan na ako ni Uno ngayon. Panaginip lang ba ang lahat ng ito? Pakisampal ako please baka nagde-delulu lang ako.

"Nixx? Ok ka lang? May masakit ba sayo? Masakit na ba ang paa mo? Should I give you a piggyback ride?" Pukaw ni Uno sa atensyon ko.

Oo nga pala, kasama ko nga pala si Uno. Enebe nag-alala tuloy dahil sa pananahimik ko. Sorry mu false gaiz nakakalutang kasi mga pinaggagawa niya ngayong gabi.

"Ano ka ba ayos lang ako. Hindi lang ako makapaniwala na may manliligaw na ako ngayon." Sabi ko dito na may ngiti sa labi. Napatulala naman ito at bigla na lang nag-iwas ng tingin. Nataranta naman ako dahil doon.

"Halla! ok ka lang? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?" This time ako na ang nag-aalalang nagtanong sa kanya.

"No, wala kang nagawang hindi maganda. You almost caused me a heart attack because of your smile. I mean you're really beautiful and I'm always mesmerized by you." Wika nito na ikinapula ko. Doon ko lang rin napansin na namumula rin siya.

"Are you blushing right now? Ganon mo na ba ako kamahal para kiligin sa ngiti ko?" I jokingly said.

"Words cannot express how much I love you, Nixx." Seryosong sabi naman nito na ikinatahimik ko.

"Ang corny mo Mr. Suitor." Sabi ko na lang at mahinang pinalo ito sa braso.

DEBUTWhere stories live. Discover now