P A H I N A 1

6 2 0
                                    

Crescentine Naerio

Centi

Ang madalas na itawag sa akin, masyado daw kaseng mahaba ang pangalan ko na ibinigay sa akin ng magulang ko.

Anyways..

Isa akong estudyante. Nag-aaral sa umaga at nagtitinda naman ng balut sa gabi. Ginagawa ko 'to kase gusto ko makatulong sa magulang.

Simple lang naman akong babae na namumuhay ng normal sa mundong ibabaw.

Kahit na minsan ay nabubully ako sa school dahil sa pagiging mahirap ko at dahil palaban ako, hindi ko kinakahiya ang pagiging mahirap ko. Sa halip, ginagawa ko pa itong inspirasyon para magpatuloy at maka-ahon sa kahirapan. Basta ako, dedma nalang sa kanilang mga minamaliit ang kakayahan ko.

"Cresy bumangon ka na nga r'yan! Anong oras na? Batang 'to malalate ka nanaman!" narinig ko nang nagsisigaw ang Inay at ang tunog ng takore tanda na mainit na ito.

"Ito na po" nanaginip pa ako eh.

Makapag-ayos na nga dahil malayo-layo pa ang lalakarin ko.

Maya-maya lamang ay nag paalam na ako at nagsimula nang maglakad papunta eskwelahan.

May nakita akong puno ng bayabas at ang mga bunga nito ay malapit na mahinog, namitas muna ako at kumuha ng iilan dahil may gagawin ako dito mamaya.

"Galing ko talaga" sabi ko saaking sarili.

Nakarating na din ako sa school, marami-rami na din ang mga estudyanteng pumapasok ang iba ay bumababa galing sa kanilang mga sasakyan papasok sa paaralan.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at dumiretso sa aming silid.

Pagkapasok ko ay ginawa ko na ang dapat kong gawin.

"Ui Keryn gusto mo ba bayabas? Bagong pitas 'to matamis." sabi ko sa kaklase ko na busy mag scroll sa Facebook. "Talaga ba? Magkano ba?" tanong nito. "Ah, hindi naman pera ang ibabayad mo beh." sagot ko sa kanya.

"Eh ano? Libre mo nalang kaya sakin yan." sagot nya habang tumatawa.

"Papel lang beh sapat na." sagot ko sa kanya. Nagulat siya at ngumiti ulit.

"Ayy, yun lang pala sige pabili ako dalawa tas bigyan kita sampung piraso ng papel." sagot n'ya habang nagbibilang ng sampung piraso ng papel. "Eto na beh, malalaki yan ha kase ikaw ang first costumer ko at madami ang binigay mong papel." biro ko sa kanya.

Nagtawanan nalang kami pagkatapos nun at naghanap nanaman ako ng pwede bumili nito. Kulang kasi ang pera ko pang-bili ng papel.

"Whews, ang laki nitong bayabas tas isang pirasong papel lang kapalit gusot-gusot pa! Baka naman gawin mong tatlong piraso man lang." sabi ko sa kaklase kung mukhang buburautin pa ang munting negosyo ko. "Ang arte naman nito! Oh, tatlong piraso na yan ha! Hi pa gusot-gusot. Ibigay mo na saakin yung bayabas" sagot naman ng kaklase ko.

"Yan ang gusto ko. Thanks beh ko." sagot ko naman sa kanya at aba tinarayan lang ako. Tse!

Magsisimula na ang klase at may dalawa pang natirang bayabas saakin.

"Good Morning class" dumating na pala si maam

"Good Morning, ma'am" bati namin pabalik kay ma'am at nagsimula na ang panibagong aralin namin ngayon.

Bilang isang mabait na estudyante, nakikinig ako kay ma'am at napansin ko yung iba kong mga kaklase ay may kanya-kanyang ginagawa sa buhay.

Yung iba ay nagdadal-dalan, ang iba naman ay nagsusulat, at nakita ko yung isa kong kalase na naglalaro sa cellphone nya. Aba, matapang na nilalang.

Tumunog na ang bell hudyat na breaktime na namin.

"We will continue our discussion tomorrow and prepare for our long test. Class Dismissed." Paalam ni ma'am saamin.

Lumabas na ako ng room at nagsimula na maglakad papunta sa tinatawag kong "Peace of Paradise" walang iba kundi ang likod ng building. Fresh kase dun, wala masyadong tao at mahangin.

Nakaupo ako at nagmumuni-muni dito saaking Peace of Paradise habang kumakain ng tirang bayabas ng dumating si kuyang Janitor ng School.

"Magandang Umaga po!" bati ko kay Kuyang Janitor. "Magandang Umaga din!" bati niya. "Gusto mo po bayabas?" Alok ko kay kuya pero iba ang naging sagot niya "Mag ingat kayo nasa paligid nyo sila." Dali-dali siya umalis at hindi na lumingon pa.

Ano daw? Hindi ko sya nagets.

Maya-maya lang ay may narinig akong tawanan. Ang mga kilalang bully sa school namin ang nagsisitawanan.

Bago pa nila ako makita, nagmadali na akong umalis at saktong pagdating ko sa room ay mag-uumpisa na ang klase namin sa Math.

"1, 2, 3, 4...5, 6, 7, 8...9, 10..." nagbibilang ako ng mga papel na binayadsaakin kanina. Hindi ko pa tapos ang pagbibilang ay tinawag ako ni ma'am.

"Naerio stand up!" utos ni ma'am "Answer the question on the board and explain." dagdag ni ma'am

Hala hindi ako nakinig sa lecture ni ma'am yari ako.

"Uh...eh" mga nabigkas ko dahil hindi ko talaga alam ang sagot sa tanong. Hanggang sa narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko.

"HAHAHAHAHA"

"Ang dali lang nyan teh!"

"Sagot reveal beh!"

"HAHA uso kase makinig sis!"

"QUITE CLASS!"

Nakayuko lamang ang ako habang pinapakinggan ang kanilang mga halakhak at pinapatahimik sila ni ma'am.

Dali-dali na ako lumabas ng room since last subject na din naman yun. Nakasalubong ko pa paglabas si kuyang Janitor ngunit nilagpasan ko nalamang sya at nagmadali na ako umuwi.

Ayoko makita nila na tumulo ang luha ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Soluna AcademyWhere stories live. Discover now