Salamat Tatay

85 14 10
                                    

Tuesday 29TH of August

Based on a true story..

Maingay ang mga tunog ng mga sasakyan sa kalsada. Kaya napatakip nalang ako sa sarili kong taenga dahil sa sobrang ingay nito na siyang dahilan kung bakit hindi ako makatulog.

Ring...ring...

Nagulat nalang ako nang mag-ring ang cellphone ko sa harapan na katabi ng unan.

Bago ko ito sinagot ay napatingin ako sa wall clock and it's still 7:00 am in the morning.

"Sino naman ang tatawag ng ganitong oras" Bulong ko sa sarili ko bago sinagot ang tawag.

May mahabang katahimikan pa ito bago nagsalita. Nagulat nalang ako dahil sa narinig kong boses.

"A-Anak..?"

Nanlaki ang mga mata ko at napaluha sa sakit na nararamdaman at ang mga ala-ala na dala nito sa aking isipan.

"Oh, Ma! Kamusta kana diyan?" Tanong ko at hindi mapigilan ang pag-ngiti sa aking labi.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Mama.

"Oo anak, okay lang kami rito...ikaw kamusta kana ba diyan?"

Napatingin muna ako sa paligid ng Condo ko at nakita ang mga kalat ng basura sa sahig.

"Ito Ma.. okay lang rin ang buhay, wala paring lovelife!" Biro ko kay Mama at tumawa ako ng mahina.

Narinig ko rin ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya.

"Tatlong taon narin Anak, hindi ka parin nakikita namin...bumisita ka naman.." sambit ni Mama na parang nabasag ang kanyang boses.

Hindi ko matanggap na umiiyak si Mama dahil sakin.

"Oo, Ma! I'll promise uuwi po ako diyan pagkatapos ng 2nd semester " Sabi ko.

"Talaga?"

Halatang nasiyahan si Mama sa sinabi ko dahil naging masigla ang pagsagot niya.

"Opo Ma!"

"Kamusta na pala si Tatay ma?" Tanong ko.

"Eto sumasakit ang tuhod dahil sa rayuma"

Hindi kona mapigilang maluha dahil alam kong ayaw ni Papa na umalis ako at sabi pa niya daw ay huwag muna akong mag-aral para tutulungan kopo siyang mangasada para sa kababata kong kapatid na si Mikmik.

Pero mas pinili kopa ang pag-aaral dahil alam kong makakatulong ang pag-aaral.

"Okay naba kayo ng Tatay mo?" Malambing na tanong ni Mama sakin.

Napapikit nalang ako.

"Hindi pa Ma eh..." Sabi ko.

"Hay nako Glenn, kung ako sayo umuwi kana dito!" Biro ni Mama sakin.

Biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mahinang pagtawa ni Mama.

* * *

End of second semester

"Oy, bro! Arat inom?" Sambit ng kaklase ko tapos narin kasi ang exam namin kaya okay nang magbonding.

"Pass mona ako bro!"

"Bakit?" Tanong niya.

"May pupuntahan pa ako!"

"Ah, sige."

Umalis nalang din ako at pumunta sa malapit na 7/11 store.

"Ano kaya ang magandang iregalo kay tatay?" Bulong ko.

Panay ang sulyap ko sa paligid hanggang nakuha ng aking tingin ang isang box ng tsokolate.

"Ah, alam kona"

* * *

"Aray.."

"Huwag magulo, ginagamot kita" sambit ni Mama kay Tatay.

"Tay!" Sigaw ko kaya napatingin sa akin si Tatay na dali-dali kong pinuntahan at niyakap.

"I'm sorry Tay!" Saad ko.

Ngumiti siya "Matagal na kitang pinatawad anak..."

Kumuha ako ng isang piraso ng Hershey chocolate at binigay sa kanya.

"Alam mo talaga ang paborito ko Anak.."

"Shempre naman Tay!"

"Salamat anak.."

"Baliktad ata Tay! ako sana magpapasalamat sayo" tumawa ako at niyakap ulit siya.

"Salamat Tay!"

* * *

__________________________________

"In making life decision don't forget the opinion of your parents"

-pillsaddicted

Hersheys

#HersheyMode2023

Salamat Tatay (#HesheyMode2023)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon