Chapter 5

349 28 8
                                    

"Pass the paper." saad ko matapos kong magpa surprise quiz sakanila. Lahat ay halos magulat kanina ang iba naman ay paiyak na, walang nag lakas loob na magreklamo bagkus ang iba ay napadasal agad.

Pasimple kong tinignan si Arceus na walang reklamong sinagutan ang test answer sheet na hawak niya. Hindi nako nagulat ng mauna siyang matapos, ang iba sa kanila ay gulat na gulat samantalang siya ay parang wala lang sakanya.

Wala pang 30 minutes natapos niya na ang 80 questions, ginawa kong mahirap ang mga tanong para tignan kung gaano siya katalino. Ganun nalang ang gulat ko ng pagkabot ng test ay bigla nalang siyang nagsasagot.

Halos magulat lahat ng kaklase niya ng bigla siyang tumayo at inabot sakin ang papel kanina, hindi ako nabigo dahil wala siyang mali at halos lahat ay tama. Nagulat ako sa iba dahil with formula and explanation pa kahit hindi naman kasama ang explanation ay nilagay niya parin sa papel.

Matapos ang quiz ay agad ko silang pinalabas dahil dismissed na, lahat ay nakalabas na except kay Arceus na ngayon ay nag lalagay ng earpods sa tenga at pumikit. See? paano ako hindi magkakainterest sakanya, kung yung mga kaklase niya ay pasimple simple sumusulyap sakin at ang iba ay nag aabang pa sa labas at parking lot para masilayan ako bago sila umuwi.

Lumapit ako sakanya at tinanggal ang isang earpods niya napatingin naman siya sakin, inaantok ang mga mata niya pero pinilit niya dumilat para tignan ako.

"Lunch break na."

"Hmm, kain na kayo professor." saad niya at binalik ulit ang earpods sa tenga niya na mabilis ko rin tinanggal at inagaw.

"Come with me, let's eat." for the first time in my life, may inaya akong studyante para sumabay kumain sakin wtf.

"No thanks, I'm fine professor." saad niya at inagaw sakin ang earpods at tumayo na.

Nakasunod ako sakanya ng lumabas siya bitbit ang bag niya mukhang papunta na siya sa second subject at wala talaga siyang balak kumain. Kaya naman mabilis ako dumiretso sa cafeteria at bumili ng mogu mogu at siomai. Umakyat ulit ako at pumunta sa room na kung saan second subject niya kay Yara, pumasok ako at nakita ko siyang nakapikit habang nakaupo.

"Here.." Nilapag ko ang mogu mogu at siomai na binili ko. "Baka tinatamad ka bumaba kaya ayaw mong kumain, eat that. that's an order." saad ko at iniwan na siyang tulala.

I can't believe na bumaba ako at bumili ng pagkain para sa studyante ko. Hindi ko na alam nangyayari sa sarili ko nababaliw na yata ako.


After matapos ang klase ay lumabas na ako habang nag uunat ng braso sakto naman na nakita ko si Arceus na palabas narin. Tahimik ko siyang sinusundan dahil naka earpods na naman siya, pumunta kami sa Gym ng pagmamay ari rin ng school nakatanaw ako sakanya mula sa malayo.

Gosh, nag mumukha akong stalker habang tahimik ko siyang sinusundan at minamanmanan.

Nilagay niya ang bag sa gilid, walang tao dahil ang lahat ay umuwi na wala rin kasi mahilig mag gym kaya halos hindi 'to pinupuntahan ng mga studyante. Pag lagay niya ng bag ay hinubad niya ang jacket niya pati narin ang uniform niya, tanging sports bra lang ang suot niya at slacks na pang baba.

Nag warm up siya at halos hindi ko mapigilan ang hindi mapatitig sa katawan niya, sobrang sexy niya at halos kita ko rin kung gaano kakinis at kaputi ang katawan niya.

Nagsuot siya ng boxing gloves at nag simula siya sumuntok sa boxing bag. Nagsimula siya sa mabagal hanggang sa pabilis ng pabilis at palakas ng palakas ang suntok niya.

Student In Disguise Where stories live. Discover now