ITM-01

13 4 5
                                    





Vacation



"Kung ang English ng pakiusap ay please- don't be in love with someone else~" Kinanta pa nga.

"Gago ka Dexter! Hindi pa nga tayo nakakarating papaulanin mo na agad!"

"Gago ka rin Jeo!"

"Kung ang Tagalog ng why ay bakit- ka pinagpalit sa malapit?"

Umingay ng pagtatawanan ang sasakyan namin dahil sa siningit na banat ni Kian.

"Ayaw ko na! Pinagtutulongan n'yo lang ako asarin kanina pa." Parang tuta namang ngumuso si Dexter.

Katabi siya ni Jeo na kasalukuyang nagmamaneho sa malubak na daanan. Bakasyon kasi namin kaya nandito kami sa probinsiya nila Nam, malapit na kasi birthday ng Lola niya at inaya kami rito.

"Tangnang hininga 'yan!" Reklamo ng palamurang si Nie-J sa katabing si Kian.

"Sariling amoy mo 'yan! Sisihin pa ako."

"Huy gago! Ang baho nga! Umuutot din 'yang bunganga mo? Astig mo namang tangina ka!"

"Bawal bumoses ang may putok!"

"Okay kids, huwag po nating tutularan." Biglang sambit ni Yuhan na parang nagtuturo lang ng aral sa mga bata kaya nagsitawanan na naman kami rito.

Dito kami sa bandang likod ng sasakyan na inarkelahan ni Dexter. Ako, si Yuhan at nam.

"Ikaw ang huwag tularan, pumapatol sa bata." Singit ni Nam at muling nagtawanan ang mga loko.

"At least sa away lang, child abuse ka sis!"

"Ows? Sino raw ang takot na tumakbo sa isang paslit?"

"Tanga! Sinong hindi tatakbo? Pumulot ba naman ng bato, buti kung maliit lang! Ang laki kaya, basag bungo ko do'n." Sagot ni Yuhan.

Napa-iling na lang ako.

Sa aming pito, ako lang ata ang tahimik sa kanila. Hindi kasi ako madaldal, mas prefer ko na lang na huwag magsalita at obserbahan sila.

Buti na lang tanggap nila ako.

Tumagal pa ng ilang minuto ang byahe namin at wala silang ginawa kundi ang mag-asaran at bwisitin ang isa't isa. Tumingin ako sa labas at malalawak na lupain ang nakikita ko. Ang ganda at ang tahimik ng lugar, kumpara mo sa Manila.

"Oh dito na us!" Sabi ni Dexter nang huminto ang sasakyan kaya agad kong ginalaw ang balikat ko kung saan nakatulog si Nam.

"Mhhm?"

"Nandito na tayo." Bulong ko kaya napaayos na siya ng upo habang kinukusot ang mata.

"Ang laki naman pala ang bahay n'yo rito, makaluma lang pero ang ganda!" Puna ni Jeo habang pinagmamasdan ang buong bahay ng lola ni Nam mula rito sa labas ng gate nila.

Sila Kian at Yuhan naman ay ibinaba na ang ilang gamit namin.

"La? Nandito na po kami sa labas." Nakatingin kami ngayon kay Nam na kausap ang kaniyang lola sa phone.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In That Mirror Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon