Bazille De Ayala
Kung hindi mo ako iniligtas noon, siguro hindi mo makukuha ang atensyon ko.
Hindi ko iaangat ang mga mata ko sa isang lalaking katulad mo kung hinayaan mo akong makagat ng isang asong nauulol sa daan.
Hindi sa sinisisi kita, at hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung unti-unti akong naging interesadong kilalanin ka.
Ikaw na kasintahan ng pinaka-matalik kong kaibigan.
Ikaw na sobrang mahal na mahal sya.
Ikaw na sobrang alagang-alaga sya.
Ikaw na sobrang protektado sa kanya.
Ikaw na parang mamamatay kung mawawala sya.
Sareena Zahra
Ang aking matalik na kaibigan.
Ikaw ang pinakamaganda.
Ikaw ang pinakamatalino.
Ikaw ang pinaka-palakaibigan
At ikaw ang pinaka sa lahat.
Ikaw ang babaeng pinaglilingkuran ng isang Bazille De Ayala.
Ikaw ang nag- iisang babaeng nginingitian at tinititigan nya.
Ikaw na hindi ko gugustuhin na mawala sa buhay ko. Kahit masaktan man ako.
At ako...
Sino nga ba ako?
Ah, ako lang pala si Reign Dayna Delgado.
Nagbibilang ng natitirang araw ko sa mundo.
Nag-hihintay kung kelan babawiin ang buhay na sakin ay pinahiram.
Hindi ko alam kung magtatagal pa ako sa mundong ito. Pero isa lang sa sigurado ako...
...pansamantala lang ang lahat ng ito.
----
August 08, 2023.
![](https://img.wattpad.com/cover/348871723-288-k374403.jpg)
BINABASA MO ANG
In My Head
RomanceHanda ka bang masaktan para sa mga taong mahal mo? Kaya mo bang tanggapin ang buhay na hindi naman simulang sa iyo? Ipagpapatuloy mo pa din ba ang isang bagay na hindi mo ginustong simulan? Your heart, and her heart beats for only one guy. Now you...