2

0 0 0
                                    

Sabado ngayon ng hapon at naisipan kong pumunta kila Uno kaso parang may pumipigil sakin na hiya, hindi ko alam kung bakit pero hindi naman ata magagalit si Uno kung iiwasan ko muna siya para hindi ako tuluyan mahulog sakanya.

Lumabas ako at pumunta sa tabing ilog, may malapit na ilog dito samin dun kami lagi pumupunta ni Uno kada hapon dahil maganda ang tanawin dito. Umupo ako sa lagi namin inuupuan habang nagiisip ng kung ano. Nakita ko na chinachat ako ni Uno at inaaya lumabas pero mas minabuti ko nalang na hindi ito tignan at umupo na lamang.

"Nahanap din kita." Narinig kong may nagsalita sa likod ko kaya agad akong humarap, at bumungad naman sakin ang matangkad at mistiso na binata, Si Uno. Pero Bakit parang hindi siya nakangiti ngayon? Galit ba siya?

"oh Uno, Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Mikai pwede mo ba ako diretsohin? May problema ba tayo?" Nagulat ako sa kanyang tanong.

"H-ha? Wala naman, bakit mo naman nasabi yan? " Natatawa kong sagot at agad din tumigil ng makita ang ekspresyon niya sa mukha.

"Bakit parang iniiwasan mo na ako? Sa lunch lagi kang nauuna kumain, tas kapag naglalakad naman tayo lagi ka nauuna. May nagawa ba ako?" Sambit niya ulit, seryoso na.

"Wala, wala kang ginagawang masama. Pasensya na masyado lang siguro akong burnt out kaya parang minsan ayoko ng kausap. Sorry." Sabi ko at narinig ko ang kanyang paghinga ng malalim at pagupo sa tabi ko.

"Pinagalala mo 'ko. Wag mo na uulitin yun ah." Sabi niya at sumandal sa akin, naramdaman ko na naman ang paginit ng aking mukha at pagbilis ng tibok ng aking puso.

"Sorry."

"Ayos lang, basta pag kailangan mo ng sasandalan nandito lang ako. Bestfriends tayo e." Sabi niya.

Tama, Bestfriends..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Munting hiling.Where stories live. Discover now