02

1 0 0
                                    

"Tapos mo na ba 'yong assignment sa taxation?" Phil asked.

It was a Monday morning, katatapos lang ng midterms exam namin kaya kabado pa rin dahil wala pa 'yong result.

"Oo, gusto mo tingnan?"

Kung mayroon man akong pagkakatiwalaan sa sagot ko o reviewer, si Phil 'yon. Bukod sa parehas kaming running for laude, parehas din naming alam kung gaano maghagilap o gumawa ng trans. Talagang pinagsisikapan namin para sa maayos na grades.

Tumango naman siya at binigay ko sakaniya 'yong paper ko. Ewan ko ba sa prof namin na 'yon, alam niyang kakatapos lang ng exam at wala kaming pahinga tapos nagbigay pa rin ng take home quiz at graded pa! Akala mo naman maayos nagtuturo, e halos mag self study ako sa subject niya.

Isa sa major at crucial subject namin iyong taxation kaya kailangan talaga pag-aralan nang mabuti. Hindi puwedeng "puwede na 'to", "may choices naman siguro". Kasi kahit may choices (na madalas e wala) ang hirap niya talaga.

I just grabbed my law book kasi 'yon ang first subject namin, at for sure mayroon na naman kaming recit. Si atty pa naman ang hirap hagilapin ng mood. Hindi ko pa yata siyang nakita na naka-mood, lagi siyang naka sibangot. Requirement ata 'yon para sa pagiging abogado.

*

"Coffee tayo please," yaya ni Faye.

Kakatapos lang ng law subject namin, tapos mayroon pa kaming five hours before the taxation. Pag talaga Monday ang hectic ng sched at panget pa.

"Saan naman? Huwag na sa malayo, masakit sa ulo 'yong init." sabi ni Phil.

We all agreed to go sa Mood Cafe—where Khys works. I kind of get excited na makita siya. I ain't gonna lie, he's handsome—chinito, tall, and has broad shoulders, who wouldn't crush him?

"Huy! Ba't nangiti ang isang Reilyn Arche?" malisosyong tanong ni Faye.

I rolled my eyes, and said "anong ngiti? Hindi ako 'yon!" defensive kong sabi.

I can't believe I'm smiling by just the thought of seeing him, to think na wala naman kami talagang maayos na convo. We just get to introduced ourselves to each other. Ayon lang! But why do I feel life I'm disappointed? Lmao!

"Hindi e, nagsmile ka. Nakita ko 'yon." she said, pushing it.

"Siguro kasi miss niya na magkape. 'yon lang 'yon. Hindi ko ma-imagine na mayroon 'yang gusto." saad naman ni Jest. "Sa buong 3 years natin magkakaibigan dito sa university, hindi ko pa narinig 'yan pumuri ng lalaki."

"Akala mo naman mayroong ex kung maka "men are trash" e no boyfriend since birth naman." pandagdag pa ni Phil.

"Ayan diyan kayo magaling, pagtulungan ako! E, totoo naman. Men are trash."

Hindi na yata 'yon mawawala sa thinking ko. Hindi mo naman kailangan magkaroon ng experience para magkaroon ka ng opinion sa ibang bagay, lalo na't kahit saan e kitang kita mo 'yong ganap.

Kailan ba hindi lumuha ang isang babae para sa lalaki?

Kailan ba sila hindi nagbaba ng standard o pride para sa lalaki?

They're always the one who runs after them when in fact sila naman 'tong nagulo ang buhay dahil lang sa kanila. Sila 'yong unang magkaka-gusto sa 'yo tapos makikita mo nalang sarili mo na lumuluha.

Kaya, no, I won't fall for a guy. I don't want to fall in love. I don't want to be like them—the girls who suffered so much trauma because of men.

Jest clapped her hand para roon mapunta 'yong focus namin. "Alam niyo pumunta nalang tayo sa Moon Cafe kaysa nagtatalo kayo diyan. Hindi niyo naman mababago 'yang mindsent niyan kasi totoo naman."

Iced White MochaWhere stories live. Discover now