Kabanata 1

15 3 0
                                    

Pagkatapos namin tumambay kela Lunding ay umalis na agad ako dahil da-daanan daw ako ni Maria mamaya sa bahay para mag apply ng trabaho. Kaya pagkauwi ko sa bahay ay agad na akong naligo at nag-ayos ng sarili.

"At saan ka naman pupunta aber?" Tanong ng Inay.

"Kung saan wala ka Inay." sabi ko and she pulled my hair.

"Aray! itong si Inay ay hindi manlang ari mabiro." sabi ko sakanya.

"Ikaw talagang bata ka, ikaw ang nagbibigay sakit sa ulo ko." Napatingin ako sakanya at napahawak sa aking dibdib, grabe!

"Ay ganon po ba? ay ako'y lalayas na dini at sakit sa ulo lang pala ako." biro ko sakanya.

"Saan ka nga pupuntang bata ka at puro ka paganda dyan? maghahanap kana ba ng mapapang asawa mo?" tanong nya.

"Ay hala sya! asawa agad Inay? hindi ba pwedeng may pupuntahan lang kaming importante at kaya nag aayos ako?" ani ko sa aking Inay paano ba naman kung kani-kanino nalang nya ako nirereto at sabi ay asawahin na daw ako.

"Mag a-apply po kami ng trabaho ni Maria." Taray apply eh sa convenience store lang naman, resume lang need dun e.

"Ganon ba? ikaw ba ay kumain na? Ika'y hinanap ng nanay at may ibibigay daw sayo eh." ani ng aking Inay.

"Sige po pupunta ako sa kwarto nya." Pag katapos kong mag ayos ay kinuha kona ang sling bag ko at pumunta sa kwarto ng nanay.

"Nay! hinahanap nyo daw po ang maganda nyong apo kanina sabi ng Inay?" tanong ko ng makita ko syang nagtatahi.

"Ay oo apo! pumarini ka at isukat mo itong binili ko sayo." Agad naman nagliwanag ang aking buhay dahil sa narinig, ano kaya yun bag? cellphone? kotse? bah— naputol lang ang aking pag i-imagine ng makita ko ang nilabas ng Nanay.

Duster?! Really duster anong gagawin ko dyan? Sinusuot ko naman kasi na pambahay ay mga cotton short or di kaya pajama at maong short. Pero duster? nevermind baka talagang isipin ng mga chismosa ako ay buntis.

"Ito apo oh! maganda yan tatlo 150." sabay pakita sakin, kulay blue na, green at red ang kulay tapos puro bulaklakin pa.

"Nay naman!" sabi ko.

"Baka mas lalong isipin ng mga kapitbahay na chismosa na buntis talaga ako."

"Hayaan mo sila, ang ganda ganda nito iha bagay na bagay sa kutis mong porselana, nagmana ka talaga sa iyong itay." sabi ng nanay.

"Sige po nay salamat po dito, may kailangan pa po akong puntahan." Humalik ako sa pisngi nya at kinuha ang duster na bili.

"Mag-iingat ka apo ha!" bilin ng inay.

"Opo."

Lumabas na ako ng kwarto nya at pumasok sa aking kwarto para ilagay sa cabinet ang duster na bili sakin. Maya maya lang ay narinig kona ang busina ng motor ni Maria.

"Teka lang!" sigaw ko dahil panay busina, sinusuot ko pa ang aking sandalyas.

Paglabas ko ay tinignan ko si Maria na naka suot ng simpleng dress ang suot ko naman ay pants at crop top, diba kaya na pagkamalan akong maghahanap ng asawa ng inay, dahil parang hindi trabaho ang pupuntahan.

"Hoy teh! Convenience store yun hindi bar bakit ganyan ang suot mo?" saad ni Maria ng makalapit na ako sakanya.

"Wala kana dun, gusto ko lang mag mukhang maayos para naman diba alam ng magiging boss natin na malinis tayo." sabi ko sakanya at umangkas na sakanya.

"Whatever, i-suot mo yan." kinuha ko naman ang inabot nyang helmet mahirap na baka mahuli pa kami diba.

Ilang minuto lang naman ang byahe papunta sa sinasabi ni Maria. Habang nasa byahe kami ay napag-usapan namin ang tungkol sa pag a-abroad naman.

Ferocious Love(Wild Girls Series#1)Where stories live. Discover now