Viviana Alesha PoV
Mabuti na lang talaga sabado bukas walang pasok hanggang umaga naman ako makakapanuod ng one piece
Dito ako nag sleep over sa bahay ng tita ko kasama ang tatlo na tinawagan ko kanina para hindi boring ang gabi ko, may kanya kanyang dala naman sila at masaya kami kasama ang pusa ko
"Si cooper na lang kasi sya kasi bagay"pakikipagtalo parin ni Mika
Hindi talaga ma tanggap ni Mika na Luna na ang pangalan ng pusa ko
"Mas maganda yung Luna may connection sa kanya"sabat naman ni Shenna
"Ano naman konek dun!"
"Full moon kaya kanina at saktong full moon sya napulot ni Via kaya dapat Luna pangalan nya at bagay sa kanya yun lalo na sa kulay ng balahibo nya"
"Maganda naman yung cooper ah, favorite anime character ni Via si Cooper at sobrang cute ni Cooper bagay sa kanya"
"Baliw si Chopper yun hindi Cooper"batok ni Trexie kay Mika
"Kahit na gusto ko parin cooper name nya"nguso ni Mika
"Wow desisyon ka e noh pusa mo?"
"Tumigil na kayo ang ingay nyo"saway ko sa kanila
Natutulog na si Luna sa heta ko ang himbing ng tulog nya lalo na napaliguan na ito at napakain
"Ang cute nya talaga"pinisil pa ni Trexie ang ulo ng pusa
"Gaga to"palo ko sa kamay nya
Nagising ang pusa at humikab ito ang cute cute nya parang gusto ko syang kainin
Nilaro namin ang pusa hanggang sa na ingayan na ito sa amin at lumayas
"Ayan tuloy na galit"batok nila sa akin
Matibay talaga bungo ko hindi basta bastang nabubutas
"Ang cute kasi hihihi"hagikgik ko
Sinubo ko kasi ang ulo nya at kasya ito
"Iwan"iling na lang ni Trexie sa kawalan at humiga
"Ayan nagtampo na si Cooper satin"malungkot na sabi ni Mika
"Luna"pagtatama ni Shenna kay Mika
"Good night Cooper ko"sabi ni Mika at hindi pinansin si Shenna
"Isang Cooper mo pa good bye Philippines kana"pagbabanta ni Shenna kay Mika at humiga
Humiga na rin ako at natulog nagising lang ng may biglang nag ingay na parang wala ng bukas
"Aray po ang sakit sa tenga"Mika
"Wahhh tama na ang ingay"Shenna
"Stop it"Trexie
"May natutulog!"sigaw ko
Kanya kanyang sigawan kaming apat habang patuloy parin ito sa pagiingay ayaw na talaga kami patulugin
"Wake up girls!!!"
"Bukas!"talukbong ko ng kumot
"Girls wake up kong ayaw nyong buhusan ko kayo ng tubig"agad naman kami bumangon sa banta ni tita
Last time na nag sleep over kami binuhusan nya kami ng isang balding tubig kaya na trauma na kami
"Oo na ito na"reklamo ko
"Atat na atat ha"reklamo din ni Trexie
"Babangon na dami pang satsat"bangon ni Mika
"Nagmamadali may lakad lang tee!"reklamo pa ni Shenna
YOU ARE READING
Viviana The Naughty
Teen FictionPara kay Viviana ang buhay nya ay parang laro lamang dahil sa naging experience nya sa kanyang nakaraan. Lahat ng bagay para sa kanya biro, hindi nya siniseryuso ang buhay, puro kalokohan ang alam, walang ng ibang ginawa kundi ang pagtripan ang kapw...