Ivory
January 11, 2021, former president now senator and business man William Henessy Vanderbilt was murdered in her daughter's art exhibition.
Cause of death: Murder
"Total of 11 cuts ang nahanap sa katawan ng bangkay including yung ballpen sa may leeg. Bali rin ang kanan n'yang braso, may sugat din s'ya sa ulo mukang hinampas ng mabigat na bagay." paguulat ng detective samin dalawa ni evette, kakambal ko.
Kaming dalawa nanaman ang magkasama sa kaso, prosecutor kami kaya nakikipag ugnayan kami kay detective Matthew.
Nandito kami ngayon sa crime scene habang pinapanood ang mga taga forensics.
"Is it possible that he died because of the injury from his head?" tanong ni Ivette sa detective.
May sense, pwedeng hinampas muna s'ya ng mabigat na bagay bago pinag sasaksak. Pero hindi naman yun ang lumabas sa autopsy.
"Hindi ganon kalalim ang injury n'ya sa ulo, wala ring ugat na natamaan. Nakalagay sa papers na binigay ng coroner."
Coroner ang gumagawa ng autopsies at nag i imbistiga sakaling questionable ang cause of death.
"Suspects" mariin na saad ni Ivette kay matthew
"Well, there are seven people na nasa loob ng exhibit that night. Pinauwi na ng maaga yung mga tao sa exhibit kasi nag karoon ng problem sa electricty noong nasunog yung katabing lote."
Huh...nasunog??
"Bakit nasunog?" Tanong ko
"Iniimbestigahan pa namin kung bakit, baka sakaling connected sa kaso."
"Wala bang cctv sa exhibit o kaya dun sa katabing lote man lang?" Ivette asked
"Wala, yung theme raw kasi nung exhibit ay freedom kaya sinandyang hindi maglagay. Hindi naman gumagana yung mga cctv dun sa malapit na lugar."
"Hindi gumagana o tampered?" Pagmamataray ng Ivette.
"Elynne Moris Vanderbilt at Ethan Mortis Vanderbilt. Magkambal ang dalawang yon, anak ng victim."
"Carnation Vanderbilt, current wife ng victim."
"Roselyn Miller, ex-wife. S'ya yung nanay yung kambal."
"Marriebelle Santos, kasambahay ng mga Vanderbilt."
"Horus Reynolds, wala s'yang connection sa victim pero nandun s'ya."
"Spencer Bremson, Main suspect. S'ya ang nakitang may hawak ng murder weapon, wala ring ibang fingerprints ang nahanap kundi sakanya. He's now remanded in custody."
Remanded in custody kapag nakakulong ang suspect pero hindi pa napapa tunayang guilty, kaya hindi pa s'ya matatawag na detainee.
"I e-email ko nga pala sa inyo ang clip interrogation." Sabi ni Matthew samin
"Okay then, we'll get going now, Matthew" Sabi ni Ivette at saka tinapunan ako ng tingin sinasabi na sumunod ako sa kanya. Sumakay kami sa kotse n'ya dahil coding naman ako. Di nagtagal ay sinumulan n'ya na mag paandar papunta sa office namin.
"Sa tingin mo ba magagawa yon ni Spencer?" mahinang tanong ko habang nakasandal sa bintana ng shotgun at nakatingin sa unahan. Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay n'ya sa rearview mirror.
Hindi naman n'ya ko pinansin at nagpatuloy lang sa pagmamaneho, ilang minuto lang "You're a prosecutor, alam mo na dapat na hindi lahat ng nakikita mong ugali ay totoo."
YOU ARE READING
The Prophet's Lost Poet
Mystery / ThrillerIvory Ishanna Hemingway is a prosecutor behind her almighty sister, Ivette Ivana Hemingway. But the question is, can a nobody without her iconic sister solve the bloodiest murder of them all? Or will she give up to the fucked up justice system? Janu...