This is a revised chapter of the story. Re-read if you want.
"Welcome back Xy."
Bulong sa akin ni Axelle pagkababa namin sa kanilang pribadong eroplano. Napatingin ako sa kanya at pilit na ngumiti. Napabuntunghininga siya dahil sa pilit na ngiting iginawad ko. Inayos nito ang pagkakabuhat sa natutulog na si Oliver bago ako hinawakan sa kamay para lamang halikan iyon.
"Don't worry. I am here for you."
Sinserong sabi nito sa akin. Napatango na lamang ako at piniling huwag nang umimik pa. May sumundong mercedes benz sa amin mismo sa may runway.
"Nathan will be happy to see his son."
Bigla ay sabi sa akin ni Axelle ng makasakay kami sa sasakyan. Nasa backseat kaming tatlo at nakapatong na sa hita ko ang ulo ng mahimbing pa ring natutulog na si Oliver. He must have been so exhausted during the flight that until now, he is in so much deep sleep. Napatigil ako pagsusuklay sa buhok ng anak gamit ang aking mga daliri at tumingin sa labas bago nagsalita.
"Honestly speaking, I don't know what to do, Axelle. Natatakot ako sa maaaring mangyari pagkatapos nilang magkakilala. I am afraid he might take my son away from me. Oliver is my life. I can't lose my child."
Baling ko ng tingin sa kanya. Malungkot akong napatingin muli sa aking anak habang hinahalikan ni Axelle ang gilid ng aking ulo.
"I won't let that happen, love. We will just face him both, so we can move forward together. I want you to be brave on this. I am here with you, always. I love you."
Malambing niyang saad at pagpapagaan ng aking loob. Sa kabila ng takot na umusbong sa akin ay ang kanyang mga salita ang siyang nagbibigay lakas sa para harapin ko ang nakaraan. I just hope, I can finally set myself free from Nathaniel. That is all I want for myself. For him. For Axelle too.
"I love you too."
Sinsero kong sabi. He smiled at me. We stopped talking for a while when he received a call from his phone. Ibinaling ko na lamang ang mga mata sa labas ng bintana.
Ilang minuto pa ay nakarating kami sa pinakamatraffic na parte kaya pansamantalang natigil ang sasakyan. I am so engrossed looking outside the car's window when my eyes caught something. Sa isang malaking billboard na nakapaskil sa labas di kalayuan sa amin, ay nakapaskil ang malaking litrato ni Nathaniel doon. Nakasuot ito ng itim na armani suit at seryosong seryoso ang mukha na tila ba hindi natutuwang nakuhanan ng litrato doon. walang mababakasang emosyon sa mga mata nito. Napakurap kurap ako bago bago umiwas ng tingin at isinara na lamang ang bintana. Mabuti at hindi napansin ni Axelle ang biglaang pananamlay ko. Pinili kong itulog ang kung ano man ang umusbong na emosyon sa akin na ayaw kong tanggapin.
"Xyrene. We're here." Tawag sa akin ni Axelle. Napamulat ako ng mga mata. Nakarating na pala kami sa condo na titirhan namin pansamantala. Umayos ako ng upo at napatingin sa natutulog pa ring si Oliver.
"Still sleeping soundly, buddy."
Nakangiting sabi ni Axelle noong tingnan din niya ang bata. Maingat niya itong binuhat noong makalabas kami. Agad na nagsunuran ang mga tauhan ni Axelle noong makarating kami sa condo building na tingin ko ay isa lamang sa mga marami nilang pag aari. His helpers took our luggages us we stride the large lobby of the condominium. Namamanghang napatingin ako noong makapasok kami. Hindi ko mawari kung hotel ba or condo ito dahil sa style ng pagkakagawa ng building. Noong tuluyan kaming makapasok sa pinakataas ng building ay doon ko lamang tuluyang naunawaan na sa penthouse pala niya kami titira. Sinenyasan niya lamang ang mga tauhan at umalis na ang mga ito pagkatapos. Maingat na inihiga ni Axelle si Oliver sa malambot na kama ng isang kwarto. Hinalikan niya ito sa noo. Nakangiti ko siyang pinagmamasdan sa may hamba ng pintuan. Noong makatayo ay hinarap niya ako at naglakad palapit sa akin.
"You can rest. I'll cook."
Sabi niya sa akin habang ang labi ay masuyong hinahalikan ang aking sentido.
"Let's sleep muna. Take some rest. Nangangayayat ka na. Ang pangit mo."
Tudyo ko sa kanya. Ngumisi naman si Axelle bago ako pinaningkitan ng mga mata.
I giggled."I won't let you sleep on me once we go to our bed, love because I will only fucking devour you, so no. I will cook. You rest."
He chuckled and gave me a peck on my lips. Nangingiti na lamang akong sumunod sa utos niya.
***
"I DON'T WANT THIS. AND THIS!. CAN'T YOU DO ANY GREAT PROPOSALS?? I GAVE YOU THREE DAYS RIGHT? WHAT ARE THESE? A FUCKING TRASH. GET OUT AND REVERSE IT!"
Galit na galit na saad ni Nathaniel sa mga empleyadong nakatoka sa proposal na ipinagawa niya. Hindi naman magkandaugaga ang mga ito sa pag alis dahil sa takot. Napahilot na lamang siya ng sentido at pikit matang umupo sa swivel chair niya.
"Promise ko. Ikaw lang ang mamahalin ko Nathan ko."
Bigla ay naalala niya ang sabi sa kanya ni Xyrene kaya mabilis siyang napamulat at napamura.
"Fuck. Get out of my mind! I am fucking working!"
Inis na inis niyang sita sa sariling utak. Gusto na niyang itapon sa kung saan ang mga papeles sa kanyang mesa ng biglang may walang pahintulot na pumasok sa kanyang opisina.
"And who the hell told you to.... Emeri?"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng makita kung sino ang pangahas na pumasok sa kanyang opisina.
"What brought you here?"
Seryoso niyang tanong. Pinagtaasan naman siya ng kilay ng babae.
"Is that your way of welcoming your good friend?"
Kunwari ay tampo nito. Napangisi na lamang siya at nilapitan ito.
"Come here angel." He opened his arms so she could hug him. Nilapitan naman siya nito at niyakap siya.
"How are you Nate? It's been a while since we last saw each other. I really miss you."
Naiiyak naman na sabi ni Ashley sa kanya.
"What brought you here little missy?" Imbes na sagutin niya ang tanong ay iniba niya ang usapan. Tiningala siya konti ni Ashley bago siya sinagot.
"Birthday ni Elisha next saturday. Punta ka ha? You're one of my daughter's ninong so don't ever try to skip because I will hunt you down."
Pagbabanta pa nito sa kanya. Natawa na lamang siya pero mabilis ding nawala iyon.
"I can't promise you but I'll try angel."
Sabi niya dahilan para masapak siya ni Ashley.
"Ouch. What was that for?"
Kunot noong tanong niya.
"Don't try. Just come! At isa pa, siguradong nandoon si Xyrene. Ayaw mo bang makita ang anak ninyo? For sure isasama niya yun."
Tudyo nito sa kanya. Lumiwanag ang kanyang mukha ng marinig ang anak. Pero mabilis muling nawala ang maliwanag na aura niya ng mapagtantong may posibilidad na kasama nito si Axelle.
"No. I will make sure that only her and your son will come. So don't think too much okay? See you next Saturday. I'll be expecting you to come. Oh gosh. This will be great."
Tuwang tuwang sabi nito bago nagpaalam na sa kanya. Bigla naman ay nanghina ang tuhod niya at napaupo sa sofa noong makaalis ang kaibigan.
"Damn it."
Iyon lamang ang naibulalas niya bago napapikit. He can still feel the pain. But he feels more hate than any emotions' left. He wanted so much to avenge but he realized nothing good will happen if he does that. So he stayed silent for a very long time and tried to forget her. And yes, he almost did. But when he saw his son that day, he changed his mind.