Kristina, 18 years old,may boyfriend. Masayang naglalakad sa gilid ng daan. She is humming dala-dala ang isang maliit na regalo.
" Ika-31 days na namin ni Paul, ika-31 days na namin ni Paul! One month na kami, one month na kami..." paulit-ulit niyang sabi na may tono pa.
She was about to reach their meeting place ng boyfriend niyang si Paul nang makabangga niya ang isang nagmamadaling matangkad na lalaki. Sa lakas ng banggaang yun ay tumilapon siya hanggang limang kilometro at tuluyan na siyang nawalan ng malay-tao at dinala sa ospital.
Pero hindi iyon ang totoong nangyari, sa banggaan nilang dalawa ay ang maliit na regalo lang ang tumilapon sa malayo at natumba lamang si Kristina. Agad naman siyang tinulungang tumayo ng lalaki at nagpaumanhin sa nangyari saka nagmamadaling tumakbo.
Medyo nahihilo pa si Kristina dahil sa banggaan nilang dalawa kaya hindi siya agad nakapag-react bago pa umalis ang walang-modong lalaking bumangga sa kanya kanina. Nang tumigil na ang pagkahilo niya ay mabilis niyang hinanap ang dalang maliit na regalo.
Nakita na niya sa wakas ang hinahanap niya pero bago pa man niya ito makuha sa gitna ng daan ay may sasakyang dumaan at naiwang durug ang regalo. Huli na ang lahat.
Sa pagkakataong iyon ay kinabahan bigla si Kristina. Hindi niya alam kung bakit pero may masama siyang kutob dito. Mahilig siyang maniwala sa mga superstitious beliefs kaya mas lalong kinabahan siya ng husto. She was walking so fast as if she was running already. Kasabay niya pa sa pagtakbo ang mga naghahabulang asong kalye.
" Thanks God..." sabi niya with a sigh of relief.
Nakikita niya ngayon ang boyfriend niya sa di-kalayuan at... katabi nito ngayon ang close niyang pinsan na si Beverly. Anong ginagawa ni Bev dito? Tanong niya sa sarili.
Nakangiti siyang lumapit sa dalawa. Humalik siya sa pisngi ng boyfriend niya pero no response ito sa kanya. Pumagitna naman siya ng upo sa dalawa na parang pinagpapawisan sa pagdating niya.
" What took you so long?" tanong ng pinsan niya sa kanya.
"Ah, may bulag kasing hinahabol ng mga aso at nabangga ako. Kaya ayun, natumba ako. Hehe. Ah Bev, anong ginagawa mo dito." sabi niya sabay hawak sa braso ng nobyo.
" Paul sabihin mo na!" sigaw ng pinsan niya sa kanya. Of course, siya ang natalsikan ng laway dahil nasa gitna siya.
"Ah, ah, ah-noh, ah...." tanging sabi ng nobyo niya habang nakayuko.
" Ano'ng sasabihin mo sa akin Paul?" lingon niya kay Paul na halatang nanginginig at pinagpapawisan.
Kahit siya ay kinakabahan na rin ng husto. Pinipilit niyang kumbinsihin ang sarili na baka may sorpresa ang nobyo niya sa kanya kaya ito nagkakaganito ngayon. But what's wrong with her cousin? Bakit ito mukhang galit? Nagalit ba ito dahil sa na-late siya when in the first place eh hindi niya naman ito inimbita sa date nilang dalawa ngayon?
BINABASA MO ANG
31 days with Mr. Swapang
RandomA heartbroken girl meets the heart breaker boy. Sa isang pangyayaring hindi inaasahan nilang dalawa ay nagtagpo ang kanilang dalawang landas. Hindi ito isang pangkaraniwang love story lamang but this is one of the unique love stories na huhuli sa at...