'You're my bestfriend'
Hindi alam ni Narda kung ang mafi-feel ba niya eh pain or ... actually... pain lang talaga ang nararamdaman niya. Everytime naiisip niya si Regina, palaging nag-eecho ang mga salitang yan sa utak niya
Kaya naman, triny ni Narda na mag entertain ng mga ibang tao sa buhay niya para hindi palagi si Regina ang kasama niya, since lahat ng gabi in everyday, ay kay Regina lang naman lahat coz sa iisang bahay lang sila nakatira
"Lovey, I'm having a photoshoot later, Ali is sick, can you be my driver for today? please?"
"Sige malapit naman na matapos tong pinapagawa mong edits kaya masasamahan kita"
"You're really my lifesaver!" Regina said sabay yakap kay Narda ng mahigpit at hinalikan ang pisngi nito bago bumalik sa kwarto
Kahit na kumakabog ang dibdib niya at what happened, pinili na lng niya na ibaon deep inside her chest ang nafifeel niya
-----
Regina is a famous actress, since her childhood sinasabak na siya ng kanyang ama sa pag-aartista dahil yun daw ang gusto niya, nurtured na bata si Regina kaya naman magaling siya sa mga bagay na ginagawa niya. Si Rex ay napaka supportive sa anak, palibhasa ang pamilya nila ay may-ari ng isang kilalang media company sa bansa.
Si Narda naman ay lumaking kasama ni Regina, lagi silang magkalaro nila Ding nung mga bata pa sila, since Leonor is one of the heads in Vanguardia Media Company, naging matalik silang magkaibigan ni Regina
Growing up, cautious si Regina sa mga taong nakakasalamuha niya, ilang beses na rin siya nadisappoint sa mga tao sa industriya dahil most of them ay ginagamit lang siya, kaya naman hindi na siya nag-bother pa na maghanap ng ibang kaibigan, si Ali sa kanya ay sapat na
Si Ali lang ang tinuturing niyang malapit na kaibigan? eh si Narda? Ano siya ni Regina? Hindi maikakaila ni Regina na best friend naman niya talaga si Narda pero sabi nga ni Ali
"Best friend ba yung parang mag asawa na? tapos Lovey pa tawag mo sa kanya, Hindi ko nga din alam kung paano mo napapayag si Narda na tumira sa iisang bahay kasama mo"
Well, in Regina's defense naman, hindi naman siya nahirapan kumbinsihin si Narda
"Lovey, do you want to live with me?"
"Oo, Reg"
Simple as that, maliban sa ilang kasambahay, silang dalawa talaga ni Narda ang owners ng napaka laking mansion that Regina build nung nagsisimula na siyang kumita ng malaki sa showbiz
"Can we put our names in this property Lovey, para if ever may mangyari sa ating dalawa panatag ang loob ko na sa iyo ko maiiwan to"
"Anu ba yang mga pinag iiisip mo Reg, walang mangyayari sayo no"
"Narda please" 🥺 nilabas na ni Regina ang kanyang secret weapon
"Sige, sige, oo na, nang matahimik ka na"
"I love you talaga!" masayang pagtili ni Regina sabay yakap kay Narda
-----
Ang mga kasambahay naman nila Narda at Regina ay medyo naguguluhan sa sitwasyon ng dalawa
"Manang Baby, magkaibigan lang po ba talaga sila Mam Narda at Mam Regina?" tanong ng bagong kasama nila sa bahay
"Hay nako, Judith ilang buwan ka na din naman dito sa bahay, tinatanong mo pa ba yan?"
"Eh kasi, iba po kasi mag-alaga si Mam Narda kay Mam Regina, para pong mag-asawa na sila, lalo po si Mam Regina halos laging nakadikit kay Mam Narda kulang na lang maghalikan na po sa harap natin"