Prologue

11 0 0
                                    

KLEYZI'S POV

Sa paglubog na ang araw at kitang kita ko ang ganda na taglay nito, ang mainit na kulay kahel sa kalangitan na parang nasa paraiso ka yung tipong pagod na pagod kana, pero kapag nakakita ka nang ganito  matanggal lahat ng iyong pagod. Like ito na ang sign ng pagpapahinga, yung pahinga na rest na matutulog ha, hindi yung pahinga na rest and peace.

Saktong sakto pa ang simoy na hangin na dumadampi sa aking balat, nahahagip pati ang aking maitim na maikling buhok at kasuotan kong sundress na kulay tsokolate.

Sa ganitong oras ay medyo maraming taong  pumupunta dito mga galing sa school o di' kaya sa kanilang trabaho, dahil palubog na ang araw ngunit pag dating ng gabi ay parang nagiging bar or restaurant ang lugar na ito dahil sa dami ng taong dumadagsa dahil sa sisig ng cafe, ito palang ang cafe na may sisig na offer. Ewan ko nga bakit nagiging sisig house naman ata itong cafe, so dapat tinatawag nila itong cafe de sisig house.


"Hindi parin nagbabago. Tulad parin ng dati."

"Kamusta na kaya sila?"

"Andito parin kaya sila?" Sabi ko sa sarili ko.

Habang ako'y nakatingin sa isang maaliwas na cafe sa karatula nito "Espoir cafe." Banggit ko. Nabigla ako ng may napakalakas na tumulak sa akin papaharap na pa yuko ako.

"Animal naman oh! Sino ba yon!" Hindi ko mapigilang sambit. 

"Sorry miss. I'm in rush." Malamig na aniya. Yung boses na iyon! Agad rin akong tumingin sa isang lalaki na naka whole blue scrabs uniform at naka sumbrero ito ng kulay itim na nagmamadaling tumakbo patungo sa Espoir cafe. 

Hindi nahaligilap ng aking mata ang itsura ng lalaking iyon dahil naka talikod ito at mukhang nag mamadali, sa imahe niyang patalikod kitang kita ang matipunong katawan nito. May dala itong laptop at may hawak din itong bouquets of red tulips at mukhang galing pa sa trabaho dahil naka scrubs pa ito.

Ang mga bulakbulak na iyon ang paborito ko sa lahat, yung unang pag kakataon kong naka tanggap ng ganoon yung pakiramdam na iyon hanggang ngayon ay hindi ko parin maipaliwanang at makakalimutan. Alam mo yung tipong halo ang saya at may kasamang kilig, syempre dalagang pinay tayo diba, kasama din yung kaba na pakiramdam yun tipong pag uwi mo lagot ka sa mama mo o di kaya sa papa mo.


Ngunit ang boses ng lalaking iyon ay kapareho niya. "What if ano___ Gaga hindi siya yon! Baliw!" Sabi ko sa aking isipan.

Wait nga bakit ko ba iniisip lahat ng ito kung ano ano nanaman iniisip ko baka gutom lang ito hindi pa ako kumain mula kanina.

Kaya't nagdesisyon na akong pumasok na sa cafe since matagal na akong hindi na punta rito dito din kasi namin napag desisyonan ni Lily na magkita. Ewan ko ba sa babaeng iyon kung anong trip gusto niya kung bakit dito niya gustong pumunta, trip niyang mag kape sa gabi pero hindi kona ikakaila na gusto ko rin naman libre e, tatanggi kapa ba sa biyaya

Pagpasok ko naalimuyak ko agad ang vanilla scent at ang loob talaga nito. Yung team puti at kahoy na theme ay ganoon parin hindi talaga nag bago kahit sa tinagal na panahon na ang lumipas.

Maraming hindi nagbago dito puwera nalang sa mga upuan, sa loob ay may mga sofa, sa labas naman ay may folding chair at may payong namalaki then sa sides may mga steel chair, hindi tulad noon na kahoy lamang na masakit sa pwet.

"Good evening po ma'am." Maligalig na bungad ng isang stuff at pinagbukasan pa ako ng pinto.

"Good eve." Ngiti ko.

Nag hanap muna ako ng upuan upang antayin ang babaita para sabay na kaming mag order, napili kong umupo sa bandang gitna na pang apatang sofa dahil maganda yung view at makikita mo talaga ang buong cafe na parang kang human cctv.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Disenthrall (Ongoing)Where stories live. Discover now