“Ayaw mo na ba talaga?”
“Minsan, kailangan nating piliin ang sarili natin dahil kung hindi baka, pati tayo masira” tumatango ako.
“Ayaw mo na talaga sa akin?” tanong ko ulit, sumakto ang tingin namin sa isat isa.
“Kahit kailan hindi kita inayawan Briks. Ikaw ang umayaw sa relasyong ‘to” tamahimik sya saglit “at hindi kita masisisi.”
“tanga ako e pero Jour, Jour mahal-” di ko na tinuloy, nahihiya, baka di na sya maniwala pa
Journey: Naluluha na ako na umiwas ng tingin sakanya.
“gusto mo na tapusin?”
Hindi.
“Oo..” mahina na sabi nya. tumango ako nakanatili na nakayuko. ayaw ko nang iyakan, ayaw ko maging mahina sa harap nya, baka di ko matantsa. Pigilan ko pa sya“Pwede ka na lumabas ng gate.” pumikit ako at huminga ng malalim bago dumilat “malaya ka na sa ‘kin” mahina ko sinabi. halos di ko mabigkas. Tumango sya nang marahan saka naglakad din palabas
“Journey” sabay ang lingon namin sa isat isa
“Habang buhay kita mamahalin okay lang wag ka maniwala. Pero kahit mag iba pa ang panahon natin. tandaan mo yan”Tumulo ang luha nya ngunit pinunasan nya to, dahan dahan nya nilihis ang tingin sa akin. Doon ay tuluyan nang nawala, nawala ang babaeng Akala ko para sa ’kin.
Siguro nga para sa akin, tss kaso panandalian