2

22 2 6
                                    

LOTUS

"Welcome home, Dra. Lee," nakangiting sambit ni Manang Esang, ang yaya ko mula noon. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap pagkababa ko sa kotse.

"Manang," malambing kong sambit. "Na-miss po kita."

Exhausted after a grueling shift at the hospital, sa wakas ay nakauwi na rin ako sa mansyon. Gusto ko nang ihiga ang likod dahil medyo sumasasakit na ito.

"Na-miss ko rin naman ang baby doktora ko," ani Manang "O e teka sandali, ipaghahanda kita ng makakain. Mukhang pagod na pagod ka e. You must take care of yourself, hija. Hay naku! Kung nabubuhay ang Papang mo ay talagang

As I made my way through the grand foyer, I caught sight of my mother, Sandra, in the living room. Nakaupo siya sa sofa habang hawak ang photo album nila ni Papa, parati ko siyang nakikita na ginagawa 'yon magmula noong mawala ang Papa . I immediately embraced her.

"Welcome home, sweetheart," ani Mama. "How was your day?"

"Challenging, Mom," pag-amin ko. "...and exhausting."

Her hand cupped my cheek. "I'm incredibly proud of you, my Lotus. Your dedication shines through."

"Thank you, Mom."

"Magpahinga ka na anak, make sure you'll have a good rest. Huwag mo muna akong iwanan, huwag ka na munang sumama sa Papang mo." Ganito ang Mamang kapag nagpapalambing o 'di kaya naman ay nami-miss ako dahil sa wala siyang ibang kasama kung'di ang mga helpers namin.

"Doktora, kumain ka na muna bago ka magpahinga. Naghanda ako ng paborito mong corn soup," ani Manang Esang, kasunod niya ay si Ate Tentay na hinahalo namn ang milo sa paborito kong pink na mug. 

 After finishing my meal, pumanhik ako sa kwarto to took a half-bath and change my clothes. Pagkatapos ay bumaba na muli ako para magtungo sa library, my libro akong binabasa at tinatapos para mabasa ko pa ang iba pang libro na iniregalo sa akin ni Owen. Nestling into an armchair, I gazed out of the window at the serene garden beyond. With a deep breath, I leaned back in my chair.

Bata pa lang ako, nakahiligan ko na ang pagbabasa. Marami kasing libro na ipinamimigay noon mula sa mga donasyon ng mga foundation at NGO na nagpupunta sa orphanage kung saan ako naggaling.

Hindi naman taliwas sa akin ang pagiging ampon ko, I was seven when Papang and Mamang adopted me. Ten years old ako nang maintindihan ko kung ano ang tunay na kahulugan ng pagiging ampon but despite the reality; my adopted parents treat me with love and care. Hindi nila ako itinuring na iba.

Nagkaroon naman sila ng anak na lalaki matapos akong ampunin, si Aster Lyden na isang piloto. Nakatira siya ngayon sa New York, he's 29 at ayaw pa na mag-asawa. Inienjoy niya ang buhay binata kasama si Uncle Markus, nakababatang kapatid ng Papang na katulad  ni Aster ay binata rin at ayaw mag-asawa. Hindi ako super close sa dalawa, I'm more on my mother's side kung saan marami akong pininsan na lalaki.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako while contemplating about my life, nagising na lang ako nang magvibrate ang phone sa bulsa ko. I glance on the analogue clock beside me before getting my phone. It was 4pm in the afternoon. Kahit papaano ay may anim na oras na tulog na ako mula nang umuwi.

"Hello? Who's this?" sambit ko nang sagutin ang tawag.

"Lotus, it's Vincent," sagot ng lalaki mula sa kabilang linya.

"What do you want?" pinahalata ko ang inis sa boses ko.

"I need to talk to you, Lotus. I-I've come to realize the mistakes I've made, the pain I've caused you... a-and I-I want to ask for your forgiveness."

THE ALLURANCE OF LOTUS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon