a/n: pure fiction. may mga iba akong dinagdag at ang ibamg nakasaad dito na nangyayari sa mga demigods ay imagination ko. hehe.
ㅡ
"What the hell?"Tinaas ni Sehun ang isa nyang kilay ng marinig ang matalik nyang kaibigan na si Chanyeol, nakatago ang matangkad na binata sa likod nya at nakapatong ang dalawang kamay nito sa balikat nya habang naglalakad sila papuntang classroom.
Weird. Syempre, weird. Kasi, mas matangkad si Chanyeol sakanya at sa likod nya pa ito nagtatago eh hindi naman sya gaano katangkad. Oo, matangkad naman sya at hindi maliit ngunit pagdating sa taas ni Chanyeol? Ah, he was a big no, no.
Bumuntong-hininga nalang si Sehun at hindi na nagsalita, lakad lang sya ng lakad kahit naiirita sya na araw-araw ganito na lamang ang nangyayari sakanila ng magkaibigan.
Makikipaglaro ng hide & seek kay Byun Baekhyun. Magtatago sa likod nya. Okay, wala na bang ibang mangyayari?
"Aray!"
Automatikong tumigil ang paa ni Sehun sa pagkilos ng marinig nya ang malakas na inda at sigaw ni Chanyeol sa likuran nya, teka, nahataw ba sya ni Baekhyun kaya nagkaganoon?
Hinarap ni Sehun ang kaibigan nya, tumingin sya sa ibaba at nandoon si Chanyeol, nakaupo ang pwet sa sahig habang hinihimas ang namumula nyang palad. Nakatulala lang si Sehun sa kaibigan nya habang ang tanong na kung bakit nasunog ang kamay ni Chanyeol ay gumugulo sa isipan nya.
"Are you just going to stand there, huh?" There was a annoying voice came.
Sinamaan sya ni Sehun ng tingin, "Relax. I'm just observing." Hindi alam ni Sehun kung saang nanggaling ang eksplanasyon nya na iyon.
Pinanood nya si Baekhyun na mag-offer ng kamay kay Chanyeol na nakakunot parin ang noo sa sakit. Sino ba naman hindi masasaktan kapag bigla bigla nalang napaso ang kamay mo?
Iniangat ni Baekhyun si Chanyeol ng walang hirap, parang nga ang gaan-gaan ni Chanyeol noong hatakin sya ni Baekhyun patayo.
Nakatitig si Chanyeol sa pula nyang kamay, "Sehun, what did you do?"
Nagdilim ang tingin ni Sehun kay Chanyeol, bakit sya ang sinisisi? Wala naman syang kapangyarihan na maglabas ng apoy sa katawan nya para maging sanhi ng pagkapaso ng kamay ng kaibigan. Basta ang tandaan nya lamang ay naiirita sya at naiinis or more like nagagalit tas bigla nalang umaray si Chanyeol kaya napaharap sya dito.
Nakatayo si Baekhyun sa tabi ni Chanyeol, hinigit nya ang braso ng matangkad at kumuha ng towel sa bulsa nya. Binalot nya ito sa na-injured na kamay ni Chanyeol at ng makuntento sa first aid nya ay ngumiti sya ng kaunti.
"Huwag mong sisihin si Sehun," tawa ni Baekhyun at tumingin kay Sehun. Kinindatan nya ito at pinandilatan sya ng nabanggit na binata. "He was out of guard."
At lumayas papalayo si Baekhyun, ngunit bago sya makaalis ng tuluyan ay tinapik nya ang braso ni Sehun.
Seriously, ang mga nakapaligid na tao sa mundo ni Sehun ay mga strange people. Paano naman kasi, may kaibigan sya na takot sa maliit na si Byun Baekhyun. May kaibigan sya na si Byun Baekhyun na mahilig makipag-away kapag may naaapi, nakakagulat nga na dalubhasa si Baekhyun sa self defense. May kaibigan sya na kasing-manyak ng mga taong nasa bar na si Kim Jongin. May kaibigan sya na napakatahimik at parang introverted na si Do Kyungsoo na may interest sa movements ng west wind (what the fuck, right?) At si Luhan, na laging nakangiti at walang problema sa buhay na kapag nakita mo ang ngiti nya ay wala ka ng kawala sa taglay nyang sumpa. Sumpa na magiging dahilan para maging kaibigan mo sya panghabang-buhay.
"Alam mo try mo kaya sumagot at wag lagi magspace-out." Tinulak ni Chanyeol si Sehun paloob ng classroom nila.
Madilim na tumingin si Sehun kay Chanyeol, "Shut up."
BINABASA MO ANG
Demigods (EXO OT12)
ФэнтезиWhere all sons and daughters of Gods and Goddesses are sent in a special camp. [inspired by: percyjackson, slifeofmythology]