Chapter 5 : Interest

10.5K 310 43
                                    

BETHANY

Ang amoy ng fried bacon ang sumalubong sa kanya pagkagising niya kinaumagahan. Frying? Hmm.. smells like burning, sa isip niya. Biglang nanlaki ang mga mata niya nang mapatanto niyang hindi pala siya nag-iisang natutulog sa kanyang apartment. Dali-dali siyang nagsuklay sa kanyang buhok saka bumaba papuntang kitchen.

May nagluluto nga sa kanyang kusina dahil mausok pa roon, ngunit wala naman si Gib.

Tiningnan niya ang sofa, pero ang leather jacket nalang ni Gib ang naiwan.

Nagulantang nalang siya nang biglang magsalita si Gib sa kanyang likuran.

"Breakfast?" tanong nito na parang siya pa ang taga-bahay.

Nang makita niya ang hawak na plato ni Gib at ang nasusunog na niluluto nito, mabilis siyang napailing.

"Ayaw mo?" inirapan siya ng lalaki at itinapon nito ang niluluto sa basurahan. Hinugasan muna nito ang pinggan saka siya nito hinarap muli.

"So, anong gusto mong kainin?"

"Ako na nga diyan, tsupi!" she muttered. She wasted no time in trying to shoo him out of the kitchen. Gib stood in the doorway, pinagmamasdan lang siya nitong nagluluto ng breakfast in less than ten minutes.

"Whoah! ang bilis naman!" sabi nito, eyeing the perfectly cooked omelet she slid onto his plate.

She rolled her eyes. "Hindi kasi ako gaya ng iba diyan." parinig niya sa lalaki.

Nagtimpla naman siya ng orange juice sa pitcher. Tas nag toast rin siya ng bread na nilagyan niya ng margarine.

"Eh kaya mo bang mag toast ng bread?"

Nginitian muna siya ni Gib saka sumagot. "Oo naman, as simple as 1, 2, 3." tas lumapit ito sa may toaster. "Weakness ko lang talaga ang pagluluto. Sabi nila kapag bachelor daw ay marunong magluto, but not for me."

Bachelor? natigil siya sa salitang iyon. For a moment, hindi siya sure kung ano ang nakakuha sa kanyang atensyon, ang killer smile ba nito or ang marital status nito. Hindi lang talaga siya makapaniwala na sa tindi ng bangayan nila kaninang madaling araw, eh nag-uusap sila ngayon na parang matagal na silang kilala.

"Well," kaswal na sabi niya, hoping to cover her sudden awareness of him. "Kung meron mang isang bagay na aking natutunan tungkol sa gawaing bahay, iyon nga ang pagluluto."

"As in...?" say ni Gib na parang gulat pa.

"Yeah, at marunong din ako mag bake." dagdag niyang sabi. The spark of interest in his eyes pleased her for some unknown reason.

"Kinailangan kasi, dahil ako lang naman ang nag-iisang anak na babae."

"I see," tugon nito. "Ahmm Bethany..alam mo ba last night.."

"What about last night?" nagugulohang tanong niya.

GIB

Looking at Bethany right now, na walang make up, na nakalugay ang buhok at nakasuot ng maluwag na jersey at cotton shorts, hindi talaga siya makapaniwala na nakita nga niya kagabi ang babae sa Gray Palace. Tuloy biglang sumagi sa kanyang isip ang pilyo niyang imahinasyon kung nakasuot ba ito ng bra ngayon dahil halata namang bagong gising pa ito. Reporter or not, she was one hell of a good-looking lady.

Iwinaksi na lamang niya ang imahinasyon at tinuonan ng pansin ang sarap ng omelet.

"Ano kasi..yong hindi pa lumalabas ang mga naka bikini na dancer..lahat ng lalaki doon ay.." he hesitated, uncertain of the right word.

Till There Was You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon