Balikan mo na sya.

45 1 0
                                    



Minsan akala natin yung mga bagay na meron tayo at mga taong nagmamahal satin ay sapat at pang habang buhay na nanjan.



May mga oras at panahon pa na masasabi mo sa sarili mo na "hindi ko kailangan ng Diyos sa buhay ko dahil wala na akong hihingiin at hahanapin".



Masyado na tayong nabulag at nagpaka adik sa mga makamundong bagay sapagkat tayo ay natutuwa at nagsasaya sa maling pamamaraan.



Nasayo na lahat ng iyong kagustuhan. Ni pasasalamat sa Poong Maykapal eh tinalikuran mo na din.



Minsan kala natin yun na ang para satin kasi sarili natin ang nagdedesisyon sa buhay lalo na kapag kagustuhan natin.



Nakalimutan na natin ang Diyos na nagbigay satin ng mga pagpapala na meron tayo. Nakalimutan na natin na andyan Sya para satin.



Dahil ang naging Diyos mo ay ang mga tao at bagay na minamahal mo at ang iyong sarili!



Pano kung nawala lahat ng mga bagay at taong yan sa buhay mo? Paano kung iwanan ka ng taong akala mo eh sobra ang pagmamahal sayo? Paano kung bigla nalang nanakaw sau ang bagay na pinahahalagahan mo?



Asan kana ngayon? Maghahabol at maghahanap sa mga bagay na nagbigay kaligayahan sayo?



Isa lang ang pwede mong takbuhan, ang Diyos na tinalukuran mo sa oras ng iyong kasiyahan at kaligayahan.



Akala mo ba iniwan ka nya? Hindi! Inaantay ka nyang bumalik sa piling nya at ibigay lahat ng hinanakit at sakit na nararamdaman mo sa mga bagay na minahal mo na higit Sakanya.



Minsan kasi, may mga bagay at tao na hinayaan ni Lord na dumating saatin para matuto tayo at dumepende sakanya.



Kasi kung hindi tayo nasasaktan, sa tingin mo bang papansinin mo Sya?



Ang Diyos ay malapit sa taong pusong sugatan. Katulad mo at katulad ko.



Normal lang naman umiyak. Umiyak ka pero itatak mo sa isipan mo na dapat sa bawat pagpatak ng luha mo, may magaganap na pagbabago at hangganan sa pag iyak at mukmok mo.



Bakit?



Kasi may will si Lord sayo!



May will at plano Siya na dapat na antayin mo.



Darating man ang oras at panahon na manghihinayang ka sa mga tao o bagay na nagpasaya sayo, HAYAAN MO!



Sapagkat ang kaligayahan na pinanghihinayangan mo ay pansamantala lang sayo!



Diyan kanalang kay Lord kasi andito ka man sa mundong ito o balang araw sa kaharian niya, yang kaligayahang matatamo mo o natamo mo na galing Sakanya ay pang habang buhay na kasiyahan mo.



Why don't you ask God right now to give you a discerning Spirit for you to know His will in your life.



Ano pang inaantay mo? Lumapit at balikan mo na Siya. Inaantay ka Niya.



-Pagpalain ka :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KaligayahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon