Chapter 2-twins-

16 0 0
                                    

Erina's POV

nagulat ako sa kanya ni hindi ko alam may tao rin pala dito

"ah... Hindi... Hindi ako mahilig sa libro..." Sabi ko sa kanya

"ganun ba... Ah oo nga pala ako si nathan varsenas " sabi ng lalake sa akin

so siya yung anak nila... Teka... Ibig sabihin siya si...

"ikaw? Anong pangalan mo?" Tanong niya sa akin ng naka ngiti

" ah... Ako... Erina... Ayasaki..." Sagot ko kay nathan

at ngumiti siya sa akin, isa pa... Napaka pamilyar ng ngiti niya... Para bang nakita ko na sa hindi inaasahang paraan...

"isa ka siguro sa mga bagong maid noh..." Sabi niya sa akin at tumayo na siya

"ah oo... Isa pa na... Nawawala na rin ako sa mansion niyo masyado kasing malaki ehh" sabi ko at nilapitan niya ako agad

" ganun ba... Sige... Tara na ilalabas na kita dito..." Sabi niya sa akin at sumunod na ako sa kanya mabait naman siya halos di nga siya mukahang sindikato ehh... Kaya nakaka sigurado akong... Hindi siya yon...

Celia's POV

nako... Buhay nga naman mahirap maging katulong pero buti nalang... At kami ang mga main servants ng pamilya varsenas

"uy celia... Baka andyana si nay' ising " sabi ni beth sa akin isa sa mga kasamahan ko isang masungit pero mabait na maid masyado kasing jugdemental si beth ehh...

"sige na eto na... Ikaw muna dito mamaya gising napala sina sir nathan

"oo na..." At kinuha niya na ang niluluto ko para buksan ang gate

ilang minuto pa ay nandoon na nga si nay' ising o isadora kung tawagin ni madam leona matagal na rin kasi dito si nay' ising ehh...

"o nay ising pasok kayo..." Sabi ko at binuksan ko na ang gate

"ay nako naka abot ako ,si madam... Umalis na ba?" tanong sa akin ni nay ising

"ah opo, tsaka isa pa po... May bago po tayong kasama sa bahay" sabi ko ka nay ising habang papasok na kami sa loob

"ay talaga maid ba?" Tanong niya

"opo, parang ganun na nga pano kasi minor palang siya pero magisa na sa buhay... kaya ayon... kinupkop ni ma'am leona" sabi ko kay nay' ising  at pumasok na kami sa loob ng mansion sumalubong mula sa hagdanan ang isa sa mga alaga namin na si sir nate ang isa sa mga anak

"morning nay ising" bati ni sir nate kay nay ising habang pa baba siya ng hagdanan

"good morning nate" bati ni nay ising sa kanya

"good morning, ate celia , ate beth, ate shila " bati niya sa amin

"good morning din po" sabay sabay naming sagot

"gising na ba ang kuya mo?" tanong ni nay ising kay sir nate

"ewan... baka tulog pa yun..." sabi ni sir nate at umupo na siya sa dining table para kumain ng agahan

umakyat naman si shila ang isa sa mga kasamahan ko para tiganan ang bago pati na rin si sir nathan

"CELIA!!! asaan si sir nathan tsaka yung bago na si erina!" sigaw ni shila na halos mag panic sa kaba

"good morning po!" sigaw ni sir nathan ang kakambal ni sir nate at kasama niya si erina

"oh nako siya ba yung bago!" sabi ni nay ising ng lumabas na siya sa kwarto namin na naka suot na ng uniform at lumapit kay erina

Assassinating a mafia princeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon