......

11 0 0
                                    

Minsan ang sarap sa pakiramdam nung may taong magpaparamdam sayo nung salitang mahal kita.

magpapa-realize sayo na masarap magmahal, at di masamang umasa, Magbibitaw ng mga pangakong panghahawakan mo at aasahang matutupad niya.

Haist! Salitang Promise, yan yung sobrang nagpakilig sakin nung dumating sa buhay ko yung lalakeng unang nagparamdam sakin na pwede pala akong mahalin, na pwede ko palang maranasan yung salitang "love".

when I met him, even though it's through online or FB, biglang nagkaroon ng saya yung mundo ko, biglang feeling ko sobrang colorful ng paligid, na sobrang saya bawat araw, yung feeling ng inlove.. ganito pala yun. Akala ko di ko na maeexperience na magmahal ng may katugon na pagmamahal din mula sa taong mahal ko.

Everyday was full of love when I'm talking with him using viber and facebook.Akala ko wala ng magbabago, until one time.....

haist! ikwekwento ko na nga lang sa inyo.

I'm Alexa Veloso, 21 year old, fresh graduate sa kursong business administration. And still searching for a job. Dakilang NBSB as in No Boyfriend Since Birth but I'm proud of it.

Lumaki ako ng mag-isa. I became an orphan since I was 18years old and a second year college that time and since ang parents ko ay nag ala Romeo and Juliet nung kabataan nila, wala akong nakilalang relatives kahit isa on both sides.

Hindi naman ako nahirapang makatapos kahit pa second year college pa lang ako nung namatay ang parents ko because of a plane crash dahil may malaking pera naman na naiwan ang parents ko sakin. Iwanan ka ba namang ng milyones sa account mo, kung di ka pa mabuhay nun, But still, I disciplined myself since that day. I changed my lifestyle and habit. Naging masinop ako pagdating sa pera. I sold my own car at ang car na lang ni mommy at daddy ang ginamit ko. Wala na ding akong kasambahay. I learned how to live on my own. Kahit pa may pera ako that time, I decided to atleast earn money using my skills.

well enough sa introduction ng buhay ko. So ayan na nga, sisimulan ko ng magkwento about sa lovelife ko.

So like what I've said, I met a man sa facebook. Well he's not that handsome but I really like his personality. He's a nurse and a part time professor sa Canada. He's 21 years old and nag aral din siya ng theology at dating semenarista.

He's personality captured my attention. Iba kasi siya sa lahat ng nakausap ko. May common sense siyang kausap and talagang may sense lahat ng topic namin. Nagustuhan ko din yung pagiging relihiyoso niya. Hindi lang kasi basta love or family ang pinag uusapan namin, madalas si God.

After one week of being friends through facebook, nagsabi siya sakin na kung pwede daw siyamg manligaw kahit online lang, then ako naman nag say yes kasi naisip ko na malayo naman siya. Sinabi din niya sakin na he's in a complicated relationship but he decided to end their relationship na dahil his girlfriend cheated on him.

I don't know what came into my mind kasi after one week, sinagot ko na siya. Sobrang saya niya nun, well ako din.

He promise me na ako lang, na loyal siya sakin kahit pa magkabilang mundo kami.

He said na ako lang no matter what happened.

Im so damn happy that time. Sinabi din niya na uuwi siya sa December to finally meet me ng personal and sobra akong naging excited.

days passed and masaya pa din ako sa kanya. Lagi kaming nag uusap through Viber. Nakakausap ko din ang mga pamangkin niya.

Araw-araw, lalong lumalalim yung pagtingin ko sa kanya.. Ewan di ko macontrol.

Akala ko, always perfect na, na walang away but I was wrong, kasi one time nagpaalam ako sa kanya na manonood kami ng sine ng bestfriend ko and I thought he's say yes but instead inaway na niya ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken Pomises(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon