Lisa's Pov:
"Sinasabi ko sayo Lisa umamin ka na kasi!" Pagpupumiliit sa akin ni Jisoo habang kumakain kami sa canteen.
It was a casual day sa school naming, nothing much puro asaran nga lang.
"Torpe." Pahabol na sabi sa akin ni Jisoo sabay irap.
"Eh ikaw nga di maka amin kay Rosé!" Sabi ko sakanya kaya natahimik siya.
Jennie's my friend, no scratch that. Bestfriend. I've had a huge crush on her, pero di din naman ako maka amin kasi baka masira friendship namin.
"Hi guys!" Bati ni Jennie sa amin.
She sat besides me tapos umupo naman si Rosé sa tabi ni Jisoo. Pinandilatan ko naman ng mata si Jisoo kasi pa ngisi ngisi pa si gaga.
"Kumain ka na?" I asked Jennie.
"Not yet, subuan mo nga ako." She told me kaya nasamid ako.
Well hindi naman na bago to eh, lagi naman niya akong nilalandi. Ako namang si tanga fall na fall din, jusko.
"Hey! Inom ka tubig." Sabi ni Jennie habang inaabutan ako ng tubig.
Rosé and Jisoo just laughed and continued eating.
"Feed me na!" Pag iinarte ni Jennie.
I just rolled my eyes and do as she wish. Pasalamat siya crush ko siya.
After naming mag lunch niyaya ako ni Jennie pumunta sa field, sino ba naman ako para di pumayag di 'ba???
"Can I tell you something?" She asked while we were strolling sa field, shet eto na ba yung part na aamin siya sa akin?
"I like someone..." Ouch ha?!?!
"Oh, tapos?" I tried my best na hindi magmukhang pambara yung reply ko sakanya.
"Pero I don't know how to confess eh." She admitted.
I just laughed, kakayanin kahit masakit.
"Easy lang kaya mag confess." Ulol mo Lisa! Di mo nga kaya mag confess kay Jennie. Sigaw ng isip ko.
"Really?? Teach me pls!" She told me. Shet pano na 'to.
"Sige ba! Mamaya after class, ako naman magpunta sa building mo. Tara na muna pa start na next subject ko eh." Need ko muna mag buy time jusko.
Hinatid ko na siya sa department niya bago ako tumakbo papuntang department ko. Malayo layo pa naman department niya sa department ko.
"Ms. Manoban you're late!" My prof shouted.
Eto na nga ba sinasabi ko eh, I saw Jisoo laughing at me in the coner of my eye. Lagot ka sakin mamaya Jisoo sinasabi ko sayo masasampal kita.
"Uh.." I didn't speak, no scratch that, I can't speak dahil sa kahihiyan.
"Please take your seat, i'll let this slide." My prof told me before letting me get to my seat.
"Inuna pa kasi landi." Pagmamaldita sa akin ni Jisoo.
I just rolled my eyes at her and listened to my prof.
After all my classes I finally went straight sa department nila Jen.
Bahala na kung anong maisip kong mga corny banats na pwede niya gamitin sa crush niya. Matindihang dasalan nalang kay Lord na ireject siya, choss. Pero Lord naman oh, bigay mo na sa akin si Jen pls.
"Lisa!" She shouted and rushed towards me with a big smile plastered on her face.
Pafall naman oh!
"Bat ang saya mo? Kayo na noh?" I asked, Lord kakausap lang natin kanina, wag po.
"Huh? No! You told me nga you'll give me advices hindi ba?" Shit naman oh, akala ko pa naman takas na 'ko.
"Oo ah, naka ready na nga mga banat na gagamitin mo eh." I told her kahit kabado slight.
"Tara na, kain na lang tayo ng dumplings don sa fav resto mo." I added.
We went don sa fav resto niya, she kept bugging me kung papaano mag confess sa crush niya pero I kept telling her na sa resto ko nalang sabihin.
"Were here na! Tell me!" She told me.
Shocks, ok eto na.
"Just tell that someone na gusto mo siya. Tapos tell that person kung gaano mo siya kagusto and the things that your willing to do for that person." I told her. Those are the things that I want to do to her pero hindi ko magawa gawa.
"Oh... really?? When do you think should I confess?" She asked, ouch so seryoso siya dito? Teka bat di niya sinasabi kung sino?!?
"Hoy saglit lang! Sino ba yang pinopormahan mo at di mo sinasabi sa akin?!? Magkaibigan ba talaga tayo? Nakakasakit ka na ha." With matching sakit effect pa para maguilty siya.
"Secret, i'll tell you nalang if kami na. Para di ma jinx." She told me then winked at me pa.
Kindatan mo nalang ako lagi pls.
"Ok, pero I think ikaw na bahala kung kelan ka dapat mag confess." I told her.
Kahit nga wag na siya mag confess eh, choss.
After we ate sa resto hinatid ko na siya pauwi. Uuwi nanaman akong nasasaktan neto eh, pano ba naman kinekwento niya crush niya habang kumakain kami.
What if... mag confess na ako agad sakanya?? Tama! Dapat maunahan ko siya magconfess sa crush niya
Saglit chat ko nga si Jisoo, magaling yun sa landian eh
To be continued...

YOU ARE READING
In the Midst of the Crowds
Romance- a JENLISA au where in Jennie a well known singer had a past with Lisa a painter who owns an art gallery.