Aking Sinta

67 18 9
                                    

Aking sinta
Na maihahalintulad sa isang pinta
Binigyan mo ng kulay ang puso kong naggugunita
Nagandahan na sa iyo noong una nating pagkikita
Tila ba huminto ang oras at ikaw lang ang syang nakikita.
Mga katangian mo na kanais-nais
Ako'y biglang umasam ng labis-labis
Pintig ng puso ko'y biglang bumilis
Tuwing ika'y ngumingiti sakin ng matamis
At sa aking isipan ay hindi kana maalis-alis.
Sana'y mapansin mo aking pagtingin na lihim
Sapagkat ako'y nahulog na sa iyo ng malalim.

POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon