Dapit-hapon

25 4 2
                                    

Sa oras ng pagsikat ni Haring Araw
Ang iyong mga ngiti ay nagsilbing tanglaw
Para magkaroon ng kulay at pusyaw
Ang puso kong madilim at giniginaw
Iyong kagandahan na nakasisilaw
Ay tila isang ulap na bughaw

Iyong titig tila ba nakatutunaw
Yelong pader sa puso ko'y nalulusaw
Sa isipan pangalan mo'y sinisigaw
Mga emosyong dinadaan sa pahapyaw
Upang ang iyong pansin ay di maagaw
Hanggang sa huli at paglubog ng araw

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon