I am a very clingy girlfriend. And i am sharing it to you how immature i was and still am with him.
Is it my fault? Or guys tend to just spoil us that makes us feel dominating?
Sa una lang yan. Oo, sa una lang naman talaga lahat. Sa una lang siya masipag mag-text, sa una lang siya sobrang sweet at corny, sa una lang siya nagpupursige ng efort, sa una lang siya manliligaw at sa una lang siya matutuwa sayo.
I've always wanted my first born to be a boy, dahil i observed that boys always grants a girl's whims kahit nagpapakulo ito ng dugo nila. Boys are naturally protective and possessive, kaya siguro gusto kong panganay ay lalaki, para may poprotekta sa magiging babaeng anak ko.
Sa isang relasyon, kalimitang nagiging sanhi ng pagaaway at paghihiwalay ay yung katagang 'hindi na siya katulad ng dati'. Magbabago at nagbabago ang isang lalaking manliligaw kapag natalian ka na nila ng salitang girlfriend.
Ibalik natin ang halimbawa sa akin. Niligawan ako ng boyfriend ko noong unang pasukan ng 4th year highschool ko, he was a freshmen sa Malayan Colleges of Laguna, at uso noon ang ligawan sa tawag at palitan ng text messages. Wala pang facebook at 'in' pa ang friendster na may background na gif kung saan nag-ala programmer ang heneresyon na pinagsimulaan ng jejemon race. Bawal ang cellphones at gadgets sa school ko noon kaya i always look forward sa uwian because thats when our couple time begins. Every night of weekdays ay hindi namin napapalagpas ang pagtatawagan. At tuwing sabado at linggo ay inaabot na kami ng siyam siyam sa kwentuhan naming walang katapusan. Nasusunod ang lahat ng luho mo, kapag nagaaway kayo ay ikaw lagi ang sinusuyo, ikaw ang nagbibigay ng cold shoulder at ikaw ang laging nagbabawal ng kung anu ano sa kanya. Wala siyang kiyeme, at kung lalabag siya sa batas mo, ikaw at ikaw ang magwawagi.
Iyon ang panahon na kilig na kilig ako, sumisipa sa hangin ang mala-pata kong binti tuwing umiilaw ang de-colored kong cellphone at lumilitaw ang pangalan niyang uPnDoWn sa screen.
Sa una lang naman talaga nakakaranas ng malakas na chemistry at kakiligan. Soon you'll realize that the fire you build up sa ligawan is slowly fading.
So sino ang may kasalanan?
Pero nang sumapit ang second semester ng isang trimester na eskwelahan, hindi na siya ulit nagenroll dahil gusto niyang kumuha ng ibang kurso. Nakisakay na lang din kasi siya sa courses na pinili ng mga kaibigan niya para may kasama siya eh, kaya nang marealize niyang hindi biro ang propesyong kinukuha sa college ay naisipan na niyang lumipat sa University of Perpetual Help sa kursong Civil engineering. Hinihintay niya akong makatapos ng highschool para sabay na kaming papasok, kaya naging bakante ang oras niya ng ilang buwan. Dahil doon, nasanay akong lagi siyang kasama, lagi siyang kausap at lagi akong napagbibigyan dahil libre naman siya sa oras. Kaya ng makagraduate ao ng highschool at nagsimula na bilang kolehiyala, duon na nagbago ang lahat. Hindi na ako sanay na hindi ko siya nakakasama. Hindi ako sanay na hindi napapaunlakan ang bawat paanyaya ko sa kanya na gumala dahil may klase siya. We both took adjustments, lalo na sa oras. And we argue a lot.
Since, i was his first serious relationship (excluding the pimps who are just part of his teenage hormonal imbalance), nangangapa pa siya sa mga dapat at hindi dapat gawin. Dinagdag pang he's an only child at mama's boy, hindi ko inasahan na mahihirapan siyang mageffort sa isang serious relationship.