I will wait for you

27 1 0
                                    

Kakalabas ko lang ng McDonald's ng may mabunggo akong babae. Muntikan na syang matumba buti nalang nasambot ko sya agad.

"Sorry Miss. Nasaktan ka ba?" – ako

"Oo dahil sa pesteng forever yan!" – sya

Hay. Kala ko naman ano na. Noon ko lang napansin na umiiyak pala sya. May naloko na naman sa tinatawag nilang "forever"

Base sa kanyang makakapal na salamin at gusot gusot na uniporme, batid kong sa NTC sya nag-aaral. Oh, kamag-aral ko pala to eh.

Hindi ko alam kung ano pumasok sa utak ko at hinatak ko sya papasok ng Mcdo, wala kasi akong alam na malapit na park dito eh. Ang tanging alam ko lang gusto ko syang tulungang mawala ang sakit na nararamdaman nya. Di man tuluyang mawala pero mabawasan naman kahit papano. Ayaw na ayaw ko kasing makakita ng babaeng umiiyak lalong lalo dahil sa pag-ibig.

"Oh." Abot ko sa kanya ng binili kong ice cream.

"Salamat." Sabi nya na may pilit na ngiti.

"Ako nga pala si Ian Darryl Reyes. Sa NTC din ako nag-aaral."  Sabi ko sabay abot ng aking kanang kamay habang hawak-hawak naman sa kaliwang kamay ang ice cream with matching abot tengang ngiti.

"Sab. Sabrina Andrea Aquino. Wag mo kong landiin, kagagaling ko lang sa break-up." Halata nga. Mugto pa nga mata mo eh.

I chuckled. "Hindi naman kita nilalandi eh. Tsaka gusto ko sa babae yung sexy at maganda. Di katulad mong nerd. Hahahaha!"

"Anak ng! At may gana ka pang mang-insulto ah!" akmang babatukan nya ko ngunit naiwasan ko.

"Joke lang! Maganda ka nga." Seryosong sabi ko sabay ngiti.

"Ewan ko sayo!" Bigla syang yumuko, kumain ng ice cream at.. Namula?

"Haha! Ang cute mo pag namumula. So bakit kayo nagbreak ng boyfriend mo?"

"Uhmm. Ano kasi. Ah. Eh. A-ayaw ko k-kasing mag. A-alam mo na. Kaya yun. Nakipagbreak sya." Bigla na naman syang napahagulgol ng iyak. Pakshet! Buti nalang walang masyado tao ngayon. Medyo late narin kasi.

"Alam mo, hindi mo deserve ang ganung klaseng lalaki. Walang kwenta ang rason nya. Patunay lang ito na hindi ka nya talaga minahal." Pagkasabi ko nun, mas lalo syang naiyak. Mali ba? Pina-realize ko  lang naman sa kanya ang lahat. "Don't get me wrong ah but if he really loves you, he will respect you and your decision."

Nakita ko naming napangiti sya ngunit halatang pilit. "Hay. Maari ngang tama ka. T*ng*n* nya! G*go sya!"

Bigla namang nanlaki ang mga mata ko at napanganga. Akalain nyo yun? Yung babaeng kala mo di makabasag pinggan, nagmura? At lutong nun ah!

Pagkatpos nyang maglabas ng hinanakit sa buhay, nagpaalam na syang uuwi na. Mukhang okay narin naman sya at late narin kasi. Pagkaalis nya, napangiti nalang ako habang umiiling-iling. Totoo kaya ang love at first sight? Mukhang eto nararamdaman ko ngayon eh. Tsh. Makauwi narin nga. Kung ano-ano na naiisip ko eh.

**

Lumipas ang ilang lingo, napapadalas narin ang aming pagkikita. Dahil narin sa schoolmates kami, madalas kaming kumain sa Mcdo, favourite kasi naming dalawa yun eh. Mas nakikilala ko narin  sya. Nag-aaral pala sya ng Bachelor of Secondary Education major in Biology. Matalino sya, well halata naman sa makakapal nyang salamin. HRM naman ako, pareho kaming 2nd year students. Di rin maipagkakaila na sa kabila ng kanyang 'geeky looks' maganda sya. Di man ganun kaganda pero maganda talaga sya. Mas nagiging malapit na kami sa isa't isa hanggang sa di ko namalayang nahuhulog na pala ako sa kanya. Balak ko na ngang magtapat ngunit nagdadalawang isip ako dahil inaalala ko ang aming pagkakaibigang maaring malamatan o di kaya'y tuluyang masira. Ngunit kailangan ko nang magtapat. Kung hindi ngayon, kalian pa? I need to take risk.

The Man Who Can't Be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon