Prologue

570 23 4
                                    

Serene's POV

"Ma'am, san kayo pupunta?" Tanong ni manong driver sakin, kahit galing ako sa England marunong naman ako mag tagalog, international school kasi pinasukan ko, di niyo alam yung international school?

Dun nag-aaral yung mga taga ibang bansa sa England kapag pagod na sila sa British accent.

"Sa bahay po kuya" sagot ko kay kuya nang nakangiti.

Kumunot ang ulo ni Kuya sakin habang nakatingin sa repleksyon ng salamin. Narealize ba ni Kuya na ang lapad ng noo niya??

"Eh ma'am, san yon?" Tanong ulit ni kuya

"Sa amin po kuya, duon po nakatira parents ko hehe, lam mo kuya, first time ko ulit makikita si Mommy and then maakikilala ko na step-Daddy ko and then kuya alam mo may-----"

"Ma'am, san ka po nakatira???" Mukhang nag pipigil ng tae na tanong ni kuya, nuebayan mas naging halata yung noo niya aish...

"Sa bahay nga po kuya! Kulit mo naman po eh" kamot batok ko na sagot sa tanong ni kuya, kulit kulit niya ahh? Sobraa. Sarap niyang ilagay sa airport, wala tuloy malandingan yung eroplano, dinala ba naman ang kanyang noo.

"Ma'am. Di ho ako nakikipag biruan sa inyo, saan po ba address niyo?" Tanong niya ulit.

"Dipo sakin yung adress kuya dun po yun sa step---"

"SABIHIN MO NALANG MA'AM!" Napahawak naman ako sa dibdib dahil sa pag-sigaw ni kuya, akala ba niya bingi ako? Or baka siya yung bingi? O baka naman agressive lang talaga si kuya, baka pinag-lihi siya sa microphone...

Nag ooverthink na ako kuya huhu

"Ma'am pag dimo pa sinabi, ibababa kita dito"

Napanguso ako sa sinabi ni kuya.

Sungit ni kuya.

"So kuya yung bahay po nung titirhan ko po rito, yung address po nun yung ano po ****** street po tapos ***** subdivision *** house po" pagbanggit ko kay kuyang malapad ang noo ng address ng house nila Mommy.

"Yun?? Eh nadaanan na natin yun ah??" Nagtatakang saad ni kuya.

"Hehe, alam ko po"

***

Huwa huhuhu

Nag drive na papalayo yung Taxi ni kuyang malapad yung noo, iniwan niya ba naman ako rito sa gitna ng daan, nagdadabog pa niyang binaba yung baggages ko na may gulong, inuupuan ko ngayun kasi baka tumakbo papalayo, malay mo diba may multong mag drive?

Pag may mag drive nito papalayo wala na akong gamit andito pa si Mr. Whiskers sa loob wawa naman siya, baka kunin siya ng masasamang loob huhuhu.

Ansama ni kuya tirik na tirik yung araw iiwan ako rito, ano na gagawin ko??

open ko ba google map ko tas hanapin ko house nila mommy?

wala na akong data! Iba sim-card dito kesa don sa England huwaaa ano gagawin ko huhuhu

Napasimangot nalang at nagsalumbaba, iisip muna ako ng gagawin bago ako gagawa ng paraan.

"Hey!!!"

Ay takte! Holy Molly what the real.

"Hey! What the fuck are you doing there??" Napalingon ako sa sasakyan sa likuran ko, bukas ang bintana nung sasakyan tapos duon nag sisisigaw yung babae. Di ba siya makalabas ng sasakyan kaya gusto niya ng tulong ko?

Aba! Ready to help ako! Ako ata si Darna

Mabilis akong lumapit kay ateng nasa bintana saka hinila yung braso niya.

"What the fuck?? Stop it!! Are you crazy!?"

"Ano ba ateng na stuck sa bintana kahit maluwag naman kaya kita iligtas!!" Pilit kong hinila yung braso ni ateng medyo may saltik sa utak na diko maintindihan kung nagpapatulong ba or galit ba siya ewan ko nalang sa kanya.

"Ano ba! Stop being an imbecile! Tanga ka ba!?" She yelled at me na nakapag-patigil sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko habang pinipigilan na maiyak. Nanginginig na ang ibabang labi ko at pakurap kurap na ang mata ko dahil sa sobrang sakit ng sinabi niya...

"Huhu... Ate diko alam kung ano yung Imbecile"

Pero mukhang masakit yung sinabi niya, diko alam, huhu ano ba yung imbecile, kapatid ba yun ng traysikil? (Tricycle) oh baka pinsan ng electric bill? Huhu ano sabi niya?

Stop being an electric bill??

Baka yun nga huhu

Napapalo si ateng suplada na magulo yung utak sa noo niya saka pumasok ulit sa loob ng bintana niya. Hindi na siya tumingin sa akin at kasabay non ang dahan-dahan na pag taas ng bintana.

Loh... Aalis na si ateng sungit??

Agad kong pinigilan yung pag sara ng bintana. Nakakunot ang noo ni ateng sungit at masama ang pag-tingin niya sakin.

Siguro mahal ako neto? Diba sabi nila the more you hate the more you love? Yieeee crush pala ako ni ateng sungit.

"Ate wait lang!!!!! Pa-help akoooo" binigyan ko siya ng super duper dupppeeer heart warming smile na nakakatunaw ng harts ng maraming tao. Masama lang siyang tumingin sakin ng ilang sigundo bago ko alisin ang kamay ko at siya naman ay nag drive papalayo.

Hmp sana ma flatan!

Ansama ng ugali!

Nagdadabog kong hinila yung gamit ko papunta sa dinaanan namin ni kuyang malapad ang noo at nagsimulang mag lakad, diko alam ano mukha ng house pero nakita ko kanina yung name ng street.

Dirediretcho lang ang lakad ko habang hila ang dalawang maleta ko sa magkabilang kamay. Halos tatlong oras rin akong nag lakad-lakad at nag hahapon na, gutom at uhaw na rin ako.

Nakakita ako ng bahay na malaki na malayo sa iba pang mga bahay kanila ba yung buong lote? Grabe naman laki eh, ehe umupo muna ako sa harapan ng gate nila, hindi naman mukhang hounted house bahay nila ang gara nga tignan.

Alam niyo, namis na namis ko na daddy ko...

Hayst...

Napasandal nalang ako sa pader at onti-onting napapikit.

***

"Hey, stupid! Wake up!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Mother's Step-DaughterWhere stories live. Discover now