JULIETTE REVERIE
Sabado.
Simula alas otso ng umaga ay naglaba ako ng mga damit ko. Tuwing sabado lang kasi ako nakakapaglaba ng mga sinuot kong damit sa isang linggo kaya medyo marami akong linalabhan, pero hindi na kaso iyon sakin dahil nakabili naman ako ng washing machine at dryer. Madali at mabilis ko nang natatapos iyon, may mga nagagawa rin akong ibang trabaho sa bahay habang naglalaba kaya gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita kong malinis ang paligid. Ako lang mag-isa ang naninirahan dito sa apartment ko dahil ang mama ko ay nandoon pa rin nakatira sa probinsya, mas gusto niya raw kasi ang buhay doon kesa rito sa siyudad.
Nang matapos akong magsampay ng mga nilabhan ko ay inayos ko ang wardrobe cabinet ko at iniba ang pagkakalagay ng mga damit, underwears, at kung ano ano pa sa cabinet.
Pagkatapos kong gawin ang lahat ng mga to-do-list ko ngayong araw ay naligo ako agad dahil tagaktak na ang pawis sa katawan ko at medyo amoy pawis na rin ako.
Sobrang sarap ng malamig na tubig at halos ayaw ko nang umalis sa C.R dahil puro nalang ako buhos ng tubig sa katawan ko nang matapos akong magshampoo at magsabon. Narinig kong tumunog ang cellphone ko mula sa labas kaya nagmadali akong takpan ng towel ang katawan ko at lumabas agad ng C.R.
Unregistered Number.
Napakunot ang noo ko.
"Hello? Sino to?"
It's me, Séza. I got your number from the HR Director. Anyway, are you free today?
"Y-yes, Miss. Tapos na po ako sa gawaing bahay."
Makulit din pala tong si Miss Séza, gagawa at gagawa talaga ng paraan para sa mga bagay na gusto niya. Ibang iba sila ng anak niyang walang pake sa paligid niya, pero grabe kung magsungit akala mo kahit ang konting bagay ay nagpapainit ng ulo niya. Sus, kung anong gwapo niya ay ganon din kagaspang ang ugali.
Pero ayaw ko na siyang husgahan dahil minsan na niya akong niligtas. Utang na loob ko pa yon sa kanya!
My son and I are having dinner tonight, you might as well join with us, nuora.
Napatingin ako sa orasan at nabigla nang makita kong maga-alas singko na pala ng gabi. Buong araw pala akong naglinis ng bahay at naglaba.
"Mukhang pribadong dinner niyo po yan, Miss Séza. Ayoko pong makadisturbo." magalang kong sagot at umiling-iling pa sa mga naiisip na bagay nitong babaeng to.
No, it's not. Stop declining my offers, nuora. I thought we're friends? Aren't we?
"Nako, Miss. Magkaibigan po tayo, sadyang nirerespeto ko lang po ang pamilya niyo lalo na't boss ko ang anak niyo..." marahas akong napabuntong-hininga.
Don't be afraid of Pietro, he's just like that. But he's nice outside of work, I tell you. He's just really workaholic and likes to uphold work ethics.
"Baka hindi niya magustuhang nandiyan ako—"
Who cares what he thinks? I want you here and it's the first time I've had a friend after a long time, nuora.
Puro siya tawag ng nora sakin, hindi ko naman pangalan iyan. Tsk. Baka nakalimutan niya ang pangalan ko kaya ganyan tawag sakin?!
Anyway, I'll ask my driver to pick you up in your place. He'll be there in approximately 15 minutes, so you should get dressed by now, nuora. I'll wait for you here.
"Pero—"
Binabaan niya ako ng tawag!
Ganon nalang ang pagkabusangot ng mukha ko dahil sa kawalan ng choice. Malamya akong pumili ng dress na susuotin at hindi na ako nagabalang pumili ng pinakamaganda dahil ayos naman na itong green na ruched bust satin cami dress ko. Hindi ko pa ito nasusuot at mukha naman itong elegante, kaso above the knee nga lang at may thin lace-strap na kumakapit sa balikat ko.
YOU ARE READING
PHOENIX-CREED [TDH - VI]
RomancePietro Jacques Phoenix-Creed. He graduated as an Aircraft Pilot but he wasn't able to practice his profession as his father entrusted all their Casino and Car businesses to Pietro. At the age of 18, he was already known as the youngest business tyco...