Chapter One

66 4 0
                                    

"Ma-maawa ka samin Black Tigress"-sabi ng isang gangster na nakalaban ko kanina dahil sa pagbangga sa isang underlyings ng gang ko, ang The Animals.

"Tutal bugbog sarado ka rin naman at natutunan mo na ang dapat mong matutunan, sige pagbibigyan kita. Pero sa susunod na gawin mo ulit yon, di lang yan ang abot mo."-using my cold tone at umalis na ko dahil hindi naman ako masyado ka brutal. Pinilayan ko lang naman at least di ko tinuluyan.

Umalis na ko don at marami nanamang bulungan ang naririnig ko pero di ko na yon pinansin.Papaalis na sana ako ng may tumawag sakin.

"Hey BT (Black Tigress)!! San ka pupunta?? Nga pala nice show this evening ang galing mo parin, walang kupas!!"- Tyler, o mas kilala bilang Black Tiger. Ka gang ko yan at magaling syang lumaban palaging panalo maliban sakin.

"Aalis na ko may exam pa kami bukas.."

"Hay.. As cold and as hardworking as ever... Alam mo ikaw lang ang gangster na ganyan, ung laging nag aaral at scholar sa school na pinapasukan mo ngayon.."

"Wala ka na don. Tigilan mo na ako at baka may magawa pa ko sayo."

"O sige na umuwi ka na. Mahirap na magkapasa nanaman ako o mas malala pa. sabi pala ni Black Cobra mag ingat ka daw.. ay! hindi pala, mag ingat pala sila sayo."sabay talikod nya sakin. O di sige ako na delikado.

Ako nga pala si Alexy Dela Fuente. 4th year high school, 16 yrs old. Kilala ako sa school bilang isang nerd dahil pala aral ako at siguro yung get up ko na rin sa school katulad ng big glasses pero kilala sa gangster world bilang lider ng pinaka sikat na gang na The Animals. Kilala kami dahil kami ay mababangis at walang sinasanto.

Pero sa kabila ng pagkatao ko dito ay kabaliktaran naman ang pinapakita ko sa mga magulang ko.. Mahal na mahal ko sila dahil minahal at inalagaan nila ako ng tunay pero may part saakin na nagtataka kung bakit ang sabi nila ay inampon nila ako sa isang malayong kamag anak nila pero ni isang alaala ay wala akong maalala at isa pa ang pagkakaalam ko ay pure pinoy sila pero bakit ako nagkaroon ng blue eyes at hindi naman ito normal sa isang pure pinoy pero hndi ko nalang ito tinatanong dahil kahit papaano ay sa kanila ako napunta.

Nag drive na ako ng aking motorbike na regalo sakin ni Tyler kasi alam nyo naman na scholar lang ako at di ko naman kayang bumili ng ganito kagandang sasakyan.

Hay napagod ako ngayon ah. Pero kailangan kong mag-aral dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ko at gusto ko pang ipamper ang mga magulang ko bilang kabayaran narin ng walang sawang pagmamahal nila sakin....

-----------------------------------------------------------------
first time ko po ito so panget pa po ito. pero enjoy nalang din po....

:)

The True Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon