COURTNEY
The sun was starting to rise the moment we reached the campsite. The crescent moon was still there, bathing in the sunlight, looking more beautiful than during the night. Para akong nakatingin sa painting.
Niyakap ko ang sarili ko nang maramdaman ang lamig ng hangin na kumapit sa balat ko. Nakahinga ako nang malalim. The morning brings a fresh start. This feels nice.
"Settle down!"
Pinatahimik kami ng mga staff upang simulan ang introduction sa event at ipaliwanag ang mga activities na gagawin for the following days.
Hindi ko napigilang ma-excite sa mga laro dahil ang tagal ko na itong hindi na-experience. Puro old school games ang mga gagawin namin.
"I want everyone back in two hours. We will have our breakfast, then our first game. Stay alive, Scions!"
Pumalakpak ang staff bilang senyas na pwede na kaming umalis. Kanya-kanyang set up ng tent naman agad ang mga tao.
10-12 people per tent kaya panay anyaya ni Jaida sa kung sinu-sino. Nagpapaliwanag pa lang kanina ang staff ay inangkin na ni Jai ang task na ito, siya na raw ang bahala sa tent.
"Aw!"
Halos masubsob ako nang may tumamang matigas sa likuran ko. Kumunot ang noo ko at nilingon ito. Nagtama ang mga mata namin ni Zeon.
Agaran niyang sinara ang nakaawang niyang bibig nang makita ako. Naghuramentado naman ang puso ko nang maalala ang mga kwento ni Ivor.
"Sorry," tipid niyang sabi at pinagpatuloy ang pag-set up niya sa kanilang tent.
Napanguso ako. I still have to thank him for helping me that night. Kung wala sila ni Ivor, I couldn't imagine what could possibly happen to me. Baka nahiwa na 'ko into pieces at nabenta na sa black market.
Umupo ako sa nakitang stool sa tabi at pinanuod ang ginagawa ng mga tao. Some are laughing, some are busy with their tasks, and some are doing nothing just like me.
Life seems so simple, but in reality, every person has a story to tell, a story they bear with every single day. Napabuntong hininga ako. Mine feels so shallow when you look at things that way.
Nilibot ko na lamang ang aking mga mata sa campsite. Timberdell Forest looks unbelievable. I didn't know there was a place like this in the Philippines. Pakiramdam ko ay nasa loob ako ng isang libro dahil sa hindi makatotohanan na views. It's January, so the weather's nice, too. Malamig ngunit hindi naman 'yong nakakanginig.
There are cabins and cottages sa malayo, pero hindi kami roon magse-stay. Mayroon ding function hall sa hindi kalayuan kung saan nila hinahanda ang mga pagkain. Pagpasok sa forest ay matatanaw ang hanging bridge patungong bonfire. I see lots of ponds, too. Everything's in the right places. The landscape design is perfect.
"You okay?"
Nanlaki ang mga mata ko at nilingon ang pinanggalingan ng boses. Naabutan ko si Zeon na pwinesto ang isang stool sa tabi ko at umupo roon.
"Me?" gulat kong tanong at tinuro ang sarili ko.
Tumingin-tingin siya sa paligid bago muling ibalik ang tingin sa akin. "May iba pa ba tayong kasama na ikaw lang ang nakakakita?" tanong niya sa isang inosenteng tono.
"Tss," I laughed as I rolled my eyes.
"Did I hurt you kanina?" tanong niya.
Umiling ako. "Nagulat lang ako. Hindi naman masakit," sagot ko.
"Why do you look somber though? Already regretting you attended the camp?"
"No. I was just thinking about something," I said and looked at him. I chuckled. "Alam mo naman na 'yon. Didn't I tell you everything?"
BINABASA MO ANG
Cosmic Coin
RomanceCourtney has it all. Charisma, talent, beauty, and brains. She is wealthy, influential, and popular. She is the It-Girl of Scionshire University... until she finds herself entrapped in a romantic conflict, causing a series of chaos and confusion, wh...