Ako Si Claire 3rd year High School Student
4:00 am pa lang naghahanda na ko para pumasok
pang umaga kasi ako at may kalayuan ang school ko sa bahay namin kaya kailangan gumising ng maaga.
___________________________
January 5,2011
Pinakiusapan ako ni ate para magbantay sa mga pamangkin ko
Nasa ospital kasi ang isang pamangkin ko at siya ang nagbabantay.
Dumating ako sa bahay nila ng 6:00 ng gabi
Inihanda ko pa kasi ang mga gamit ko
Dahil dun ako matutulog.
Madali lang naman alagaan ang mga pamangkin ko mababait naman kasi sila.
Maaga din kaming Natulog
3:00 am
Nagising ako dahil may naaninag akong batang nkatayo .
Akala ko isa sa mga pamangkin ko .
"uy maaga pa ha..Matulog ka pa",sabi ko.
Di ko sya msyadong makita kasi medyo madilim dahil yung maliit na ilaw lang ang gamit namin.
Nararamdaman kong nakatingin lang siya sa akin
"ay nako ang kulit mo matutulog na nga lang ako!" sabi ko.
_________
Nagising ako 4:30 am
di ko muna sila ginising dahil mamaya pa naman ang pasok nila.
Inihanda ko na ang mga pampaligo ko
Bahagyang nakabukas ang pinto ng c.r nung naliligo ako
Maya-maya ay may narinig akong naglalakad sinilip ko ..
batang lalaki akala ko naman ay ung pamangkin ko.
"Oh ba't ang aga mo nagising ngayon Aaron?'sabi ko
"Wala", sabi nya na parang minamalat
Nagtaka ako kung bakit ganun ang boses nya
Narinig kong binuksan nya ang cabinet..
"Nagugutom ka na ba?"sabi ko
Hindi nya ako sinagot ..
pinabayaan ko na lang.
_____________
Natapos na akong maligo ..
Nagulat ako at wala sa kusina si Aaron ..
"Aaron!?", sabi ko
Pumunta akong kwarto..
Nagulat ako sa nakita ko ..
Mahimbing silang natutulog ng mga kapatid nya..
kung anong ayos nila knina ay ganun pa din sila
May narinig akong tawa ng bata ..
Sa takot ko ay kaagad ko silang ginising.
Pag kagising nila ay kaagad ko silang tinanong kung lumabas sila
Sabi nila "Hindi po ..Kita mo nga pong natutulog pa kami eh.."
Sinabi ko ito sa ate ko ..
Sabi nya Nagparamdam din daw sa kanya ang bata..
Hindi naman pwedeng walang magbantay sa mga pamangkin ko ..
Kaya kahit natatkot nkong bumalik sa bahay nila kailangan .
________________
End.
Hahahahah!Sorry hindi Maganda !
