Crush for Years (OneShot)

1.4K 77 33
                                    

"Ang gwapo talaga niya!"

"Kyaah ang galing niyang tumugtog ng drum."

"OMG! He's so magaling at gwapo pa!"

"Complete package! Kyaaaah!"

"Gwapo gwapo mo!"

Yan ang sigawan ng mga studyante dito sa school gym.

Sinong nagda-drum na sinisigawan nila?

Edi si Grant Lorez, sikat siya sa school na ito dahil--gwapo siya, matalino, talented, friendly, cool at gwapo ulit haha XD

At crush ko din po siya!

Hehe noon pang 1st year highschool ako hanggang ngayong 1st year college ako.
Kahit nagkaroon na ako ng mga boyfriends ay crush ko pa din siya, hindi siya mawala-wala sa isip ko eh. Hindi ko din alam kung bakit.
Sa mga EX ko naka move-on na ako pero siya? Ayun crush ko pa din.

2nd year college na din kasi siya so one year ang gap naming dalawa :)

Pano ko siya naging crush?

Kasi naman ang pinsan kong si kuya Jet at ang mga barkada niya ay tinutukso ako kay Grant, magbabarkada din kasi sila.
Si Grant ang pinakabata sa kanilang magbabarkada.

Sa iisang bahay lang kasi kami nakatira ni kuya Jet. Palagi silabg pumupunta sa bahay dahil trip daw nila tsk. Si Grant lang ang talented sa mga barkada nila hahaha kasi naman siya lang tumutugtog sa kanilang magbabarkada eh. Siya lang mahilig sa music.

"Hoy Stebbie!"

"Oy! Jasmine!" Sigaw ko ding tawag kay Jas, ang bestbren ko.

Ako nga pala si Stebbie Monticillo, 17 years old na po.

"Tara sa library! Ang ingay dito eh." Reklamo niya sabay takip sa tenga niya.

"Malamang may nag concert eh kaya maingay." Sarkastiko kong sabi sa kanya.

"Porket si Grant na ang tumutogtog eh." Sabi niya at inirapan ako.

"Mauna kana sa library susunod ako." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Sige sabi mo yan ah. Una na ako babye." Paalam niya at naglakad na. Napailing lang ako. Ayaw talaga ni Jas sa mga maiingay -_-

Tumingin na lang ulit ako sa stage. Tapos na palang tumugtog si Grant, nag bow na eh. Puntahan ko na nga lang si Jas.

"Steb!" Lumingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si kuya Jet.

"Bakit kuya?" Tanong ko.

"Sama ka samin. Punta tayong fastfood." Sabi ni kuya Jet at umakbay sakin.

"Wag na kuya, pupuntahan ko pa si Jas sa library eh."

"Nandoon na naman siya sa bahay niya?!" Gulat na sigaw na tanong ni Kerwin, isa sa barkada ni kuya Jet at Grant.

"Di ka pa nasanay?" Taong ni kuya Jet.

"Sanay naman hehe. Isama na lang natin si Jasmine." Nakangiting sabi ni Kerwin.

"Paniguradong hindi yun sasama." Sabi ko kaya napatingin siya sakin.

"Ayaw nga non sa mga maiingay dba? Eh ang ingay ingay mo kaya." Sabi ni kuya Jet kaya nagpout lang si Kerwin haha gwapo din nito eh.

Crush for Years (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon